Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang Anak Ng Mangingisda Ang Nakasungkit Ng Top 2 Sa Ginawang Licensure Examination For Teachers

Marahil ay natatandaan niyo pa ang nag-viral noon na larawan ng isang maliit at tila tagpi-tagping kubo na mayroong nakasabit na tarpaulin kung saan ito ay nagpapakita ng napakalaking tagumpay na nakamit ng isa sa miyembro ng pamilya na naninirahan sa nasabing kubo.

Nakalagay nga sa nasabing tarpaulin ang katagang ‘Top 2’, na ang ibig ngang sabihin ay nalampasan ng anak na dalaga ng isang mangingisda ang lahat ng hamon sa kanyang pag-aaral, dahil sa sipag, tiyaga at deteminasyon niya ay nagawa nga niyang masungkit ang ikalawang rangko sa Licensure Exam for Teachers na ginanap noong buwan ng Setyembre taong 2015.

Ang dalaga ngang ito na topnotcher sa LET ay kinilalang si Iah Bantang Seraspi na nagtapos ng kanyang kolehiyo sa Romblon State University sa probinsya ng Odiongan, Romblon. Sa nasabing eksaminasyon nga ay nakakuha ng average score na 90% si Iah na naging daan nga upang maging isa siyang topnotcher.

Talaga namang marami ang pumuri sa katalinuhan na ipinamalas ni Iah sa pagiging Top 2 niya sa LET, ngunit mas humanga pa nga ang mga ito ng kanilang malaman ang nasa likod ng kuwento ng tagumapay na ito ni Iah.

Tunay namang kahanga-hanga ang kuwento sa likod ng tagumpay na ito ni Iah, napag-alaman kasi na siya ay mula sa isang pamilya na payak ang pamumuhay. Siya ay anak ng isang mangingisda na talaga namang iginapang ang kanyang pag-aaral sa singkuwenta pesos na kinikita ng kanyang ama.

“I came from a poor family. I am not telling you this to humiliate my family nor to get your sympathy. I just want you to realized how blessed you are if you were able to live a life better than mine”, ang naging pahayag nga noon ni Iah.

Ikinuwento din ni Iah kung paano nga ang buhay ng kanyang pamilya, at kung ano ang mga inuulam niya noon nung siya ay nag-aaral pa.

“Since I started schooling, feeling ko mayaman na kami kapag nakapag-ulam akong noodles sa agahan kasi usually ang ulam ko ay chichiria, kape, asin, asukal o kahit ano basta lang may lasa ang aming kanin. Imagine the nutrition I get from those foods yet I am an achiever in school. Di naman nila makikita ang laman ng tiyan ko but they definitely see the capacity of my brains”, kuwento nga ng dalaga.

Sa isana local news outlet din noon ay naibahagi ni Iah kung paano niya pinaalalahanan ang kanyang sarili tungkol sa ‘goal’ na nais niyang matupad sa kanyang buhay.
“I secretly wrote in my notebook these words: Goal: To Top the BLEPT; Deadline September 27, 2015. This is to remind me every day that I have a goal to meet and to avoid procrastinatin.”

Samantala, ilang taon ang lumipas matapos mag-top ni Iah sa LET ay masaya na nga niyang ibinahagi sa kanyang social media account ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay at kung paano ang kanyang tagumpay ay nakatulong upang mas mabigyan niya ng maayos na buhay ang kanyang mga magulang.
Noon ngang ika-25 taong kaarawan ni Iah ay ibinahagi niya ang malaking pagbabago sa kanilang tahanan, mula nga sa pagiging isang kubo ay makikita ng isa ng kongkreto at kumportableng tahanan ang ngayong ay tinitirhan ng pamilya ni Iah.

Ayon pa sa dalaga, matapos niyang makapasa sa LET at maging Top 2 nga ay kaagad niyang tinanggap ang trabahong inalok sa kanya ng review center na tumulong din sa kanya noon para makapasa siya sa Board Exam, ito nga ay ang Carl E. Balita Review Center (CBRC).

Sa kabila ng napakatagal ng panahon ng makapasa si Iah sa board exam at makapasa, ay nanatili pa ring inspirasyon ang kuwento ng kanyang tagumpay, dahil pinatunayan nga niya na kailanman hindi magiging hadlang sa sinoman ang kahirapan sa pagtupad ng kanilang pangarap sa buhay, lalo na nga kung hindi sila mapapagod na tuparin ito at patuloy nilang pagsusumikapan na mabigyan ng katuparan ang bagay na kanilang pinapangarap sa kanilang buhay.



Isang Anak Ng Mangingisda Ang Nakasungkit Ng Top 2 Sa Ginawang Licensure Examination For Teachers
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments