Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Wais Mom na Si Neri Naig Puno Ng Determinasyon Para Ma-Achieve Ang Goal Weight Na’55 Kilos’

Paano ba maging ikaw Mrs. Miranda? Ito nga ang ilan sa mga katanungan ng mga tagahanga, tagasuporta at tagasubaybay ng celebrity mommy na si Neri Miranda, ito ay dahil tila nga lahat ay kanya niyang magawa at hindi imposible sa kanyang kakayahan.

Si Neri Naig ay kilala ng publiko bilang isang mahusay na aktres, ngunit hindi lamang nga ang kanyang pagiging artista ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siyang minamahal at sinusuportahan ng marami. Maliban nga sa talento ni Neri sa pag-arte, ay tunay na kinabibiliban din sa kanya ng publiko ang kanyang pagiging isang mahusay at madiskarteng negosyante.

Sa kabila din ng pagiging abala ni Neri sa kanyang mga negosyo at iba pang pinagkakakitaan, ay kahanga-hanga rin na nagagawa niya pa rin na maging hands-on sa kanyang pamilya, lalo na sa pag-aalaga ng kanyang asawa at mga anak. Si Neri Naig ay kasal nga sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, at silang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak, ito nga ay sina Miguel Alfonso at Manuel Alfonso.

Samantala, mahigit tatlong buwan na nga ng isinilang ni Neri ang pangalawang anak nila ni Chito na si Manuel Alfonso na binigyan nga nila ng palayaw na ‘Cash. At dahil ilang buwan na rin nga ang lumipas matapos niya itong ipanganak, ngayon nga ay determinado si Neri na mabawasan ang kanyang timbang na hindi nga naiwasang lumaki noong ipinagbubuntis niya si Cash.

Kamakailan lamang sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Neri sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang journey upang ma-achieve niya ang pagbabawas niya ng timbang at ang goal weight nga umano niya ay 55 kilos.

Pagbabahagi ni Neri, sa kagustuhan niyang agad na bumaba ang kanyang timbang ay agad ngang mga mabibigat na activities ang kanyang ginawa, na ang kinahantungan naman ay naranasan niya ang pagdurugo. Dahil sa pangyayari na ito ay napagdesisyunan ni Neri na huwag biglain ang kanyang katawan, at sa tulong nga ng kanyang mister na si Chito ay nagsimula muna siya sa mga magagaang exercise, kagaya na lamang ng pag-walking.

Nagbigay payo rin si Neri sa mga mommy na tulad niyang bagong panganak at nais rin na magbawas timbang, ayon nga sa kanya, kapag CS ay kinakailangan na maging maingat at hindi biglain ang sarili sa pag-exercise.

“Pero siyempre need ko pa rin ng disiplina. Dahan dahan lang. kasi 2 weeks ago, nag-try ako mag exercise, more on stretching tapos may planking, ayun, dinugo ako.. kaya sa lahat ng mga bagong panganak, huwag biglain lalo na kapag CS, natakot ako but I’m ok. Wag madaliin”, ang naging pahayag ni Neri.

Dagdag pa ni Neri, “Fow now walking muna kami sa village. Isa sa umaga, isa sa hapon.”
Maliban nga sa pag-walking, ay ibinahagi rin ni Neri na upang mapababa niya ang kanyang timbang ay kontrolado niya rin ngayon ang kanyang meals.

Iniiwasan nga umano niya ang kumain ng carbs at sweets, at sa kabila ng mahirap naman talagang i-resist ang mga ganitong pagkain, ay pinipilit niyang kayanin dahil sa determinado siyang ma-achieve ang kanyang goal weight. Saad pa ni Neri, mas madaming tubig ang iniinom niya ngayon, at ang madalas nga niyang kinakain ay prutas.



Wais Mom na Si Neri Naig Puno Ng Determinasyon Para Ma-Achieve Ang Goal Weight Na’55 Kilos’
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments