Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dimples Romana Nagbigay Pasilip Sa Tahanang Tutuluyan Ng Anak Na Mag Aaral Sa Ibang Bansa

Ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee ay talaga namang labis ang pagmamahal at suporta na ibinibigay sa kanilang mga anak. Tulad nga ng ibang mga magulang, ay tunay na lahat ng kanilang ginagawang pagsusumikap ay upang bigyan ng magandang buhay ang mga anak nila, at masuportahan ang mga ito sa magiging pangarap ng mga ito sa kanilang buhay sa hinaharap.

Si Callie Ahmee na 18-taong gulang na, ay ang panganay na anak ng mag-asawang Dimples at Boyet, at siya ay kasalukuyan na ngang naka-enroll sa pangarap niyang unibersidad, kung saan ito ay isang prestihiyosong paaralan sa Australia, ang Southern Cross University.

Pangarap ni Callie na maging isang mahusay na piloto, at siyempre ang mga magulang niya ay todo suporta sa pangarap niyang ito. Dahil sa pagkakaroon ng krisis, ay naka-online class muna nga si Callie sa kanyang kursong kinukuha, ngunit ngayon na unti-unti na ring nagiging maayos ang lahat, ay nalalapit na ngang magtungo sa Australia si Callie para mag-aral sa nasabing bansa.

Sa nalalapit ngang paninirahan ni Callie sa Australia para doon mag-aral, ngayon pa lamang nga ay inihanda na ng kanyang inang si Dimples Romana ang tutuluyan niyang bahay doon.
Ipinasilip ng Kapamilya actress noon lamang nakaraan ika-4 ng Marso sa kanyang mga tagahanga ang tahanan na tutuluyan ng anak niyang si Callie sa Austalia kapag ito nga ay doon na nanirahan at nag-aral. Sa Instagram ni Dimples ay masisilayan ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ng isang napakagandang bahay, na siya ngang magiging tahanan ni Callie sa nasabing bansa.

Tunay namang pinaghandaan nina Dimples ang future ng kanilang mga anak, dahil isa ngang napakaganda at kumportableng tahanan sa Australia ang naihanda nila para kay Callie. Sa ganda nga ng naturang bahay, ay mahahalintulad ito sa isang bahay bakasyunan, dahil maliban sa may sarili itong swimming pool ay malapit din ito sa beach.

Kalakip nga ng mga larawan na ibinahagi ni Dimples ay ang captions niya kung saan ay kanyang inilahad ang pasasalamat niya sa taong tumulong sa kanya para makahanap ng ligtas at maayos na tahanan para sa panganay niyang anak na si Callie. Biro pa ng Kapamilya actress, paniguradong mamimiss ng panganay na anak ang mga luto niya, kapag nanirahan na ito sa Australia.

“Ateeeeee @callieahmee. You’re going to have a blast in Australia “JUST want to GIVE a very special and HUGE thank you and shoutout to two of our fairygodsisters @isragram9 @zarrinr for helping us get this place for Ate @callieahmee while she’s in college there! Can’t thank you both enough. Callie is smiling from ear to ear!! “

“Tignan ko lang kung makangiti to pagnamiss nya na kami at lutong bahay dito. With great pleasure comes great responsibility Hihi” “While it is fun to be by yourself ate, you will also have to learn to do everything on your own!! At excited akoooo sa non stop calls mo asking me how we cook sinigang, adobo, callos, sinangag at madami ang Iba. Pati pano maglaba, magplancha at maglinis. Ikaw na ito”



Dimples Romana Nagbigay Pasilip Sa Tahanang Tutuluyan Ng Anak Na Mag Aaral Sa Ibang Bansa
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments