Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Miriam Quiambao Isinapubliko Ang Tunay Na Dahilan Ng Paglipat Ng Kanyang Pamilya Sa Boracay

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang naging paglilipat na sa isla ng Boracay ng dating former beauty queen at TV host na si Miriam Quiambao kasama ang kanyang pamilya, ito ay upang doon na nga tuluyang manirahan sa nasabing isla.

Noon lamang ika-22 ng Pebrero, ay naging guest sa segment ng Eat Bulaga na ‘Bawal Judgemental’ si Miriam. At ng makapanayam nga siya ng mga host ng nasabing programa, ay naibahagi niya ang tunay na dahilan kung bakit sa kabila ng patuloy na nararanasan natin na krisis, ay pinili nga niya at ng kanyang pamilya na tuluyan ng lisanin ang buhay sa siyudad ito ay upang manirahan na nga sa isla ng Boracay.

Ayon nga kay Miriam, tila nga si Lord na ang nagsabi sa kanyang mister na hindi nila kailangan ng kanyang pamilya ang mag-stay sa city, bagkus ay mas mainam na manirahan sila sa ibang lugar na malayo nga sa siyudad.

Sa pakikipag-chikahan ng celebrity mom sa mga Eat Bulaga host na sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza ay ibinahagi nga ni Miriam kung paano silang nasorpresa ng kanyang mister ng malaman nilang ang rent prices sa Boaracay ay talaga namang bumaba magmula ng magkaroon ng krisis sa ating bansa magmula pa nga noong buwan ng Marso taong 2020.

“E, kasi nung minsang naglalakad ang asawa ko doon sa village namin parang sinabi sa kanya ni Lord: “You don’t have to stay in the city, you can go outside of the city.” “Tapos nung naisip niya beach! So, nag-consider siya sa Batangas, pero parang masyadong malalayo sa kabihasnan, tapos meron kaming maliliit [na anak].”, pagbabahagi ni Miriam

Saad pa ng celebrity mom, noong panahon na naghahanap ng mga apartments ang kanyang mister ay dito nga nakita nito na naging kalahati na ang presyo ng mga condos at apartments sa nasabing isla, kaya naman dito na sila nagdesisyon na lisanin ang siyudad at lumipat na sa isla.
“Nung naghahanap siya ng mga apartments natungtungan niya itong Boracay, nakita niya na kalahati ang presyo dahil pandemic price ang lahat ng mga condos and apartments dito. Isa ‘yun sa mga desisyon kung bakit kami lumipat dito”, saad pa nga ng celebrity mom.

Samantala, ibinahagi naman ng Miss Universe 1999 first runner-up na ang naging paglipat nila sa isla ng Boracay ay masasabi nga niyang ‘economic sense’ at nakakatulong din para mas maging maayos ang mental health nila ng kanyang pamilya. Dagdag pa niya, nagustuhan din niya sa isla, dahil malayang nakakapag-enjoy ang mga bata, at nararanasan nga ng mga ito kahit papaano ang outdoor lifestyle.

“Bukod doon, e, siyempre outdoor lifestyle, mae-enjoy ng mga bata. Also, for our mental health di ba? Panahon ng pandemya, parang it’s a once in a lifetime opportunity ika nga.” Miriam explained.
“It makes mental health sense; it makes family sense and then it makes economic sense. So, why not!”

Taong 2014 ng ikasal si Miriam Quiambao sa mister niyang si Erdy Roberto. Sila nga ay mayroong tatlong anak, ito ay sina Elijah at Ezekiel Isaiah. Ang panganay naman na anak nila na si Joshua, ay anak ng mister ni Miriam na si Ardy sa dati nitong asawa, ngunit sa kabila nito ay tunay na anak na rin nga kung ituring ito ni Miriam.



Miriam Quiambao Isinapubliko Ang Tunay Na Dahilan Ng Paglipat Ng Kanyang Pamilya Sa Boracay
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments