Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Masaya At Makulay Na 1st Birthday Ng Baby Girl Nina Jhong Hilario At Maia Azores

Parang kailan lamang ng masayang ibahagi ng aktor at politician na si Jhong Hilario na sila ng kanyang partner na si Maia Azores ay magkakaroon na nga ng anak. At ng isilang nga ang kanilang anak na isang malusog na baby girl, ay marami sa mga tagasuporta ni Jhong ang talaga namang natuwa at nakisaya para sa mag-partner, at tinagurian pa nga itong “sample princess”.

Matatandaan na noong ika-27 ng Marso taong 2021 ng isilang ang anak ng mag-asawang Jhong at Maia na pinangalanan nga nilang Sarina o kung tawagin nila ay si Baby Sari. Simula nga ng masilayan ng mga netizens ang napaka-cute at adorable na anak ng mag-asawa ay tinagurian na itong ‘sample princess’, sapagkat batid naman natin na ang kanyang Daddy Jhong ay ang binasagang “Sample King” sa mundo ng enetrtaiment sa Pilipinas.

Samantala, tunay ngang napakabilis ng panahon, dahil ang anak nina Jhong at Maia na si Baby Sari ay nagdiwang na ng ika-1st birthday nito noon lamang nakaraang ika-27 ng Marso ng kasalukuyang taon. Isang engrandeng selebrasyon naman para sa anak ang inihanda nina Maia at Jhong.

“Happy FIRST birthday to the person we love the most. We wish you a happy and healthy life. We are so blessed to be your parents”, ang nakakaantig na mensahe ng pagbati ni Maia para sa anak, na ibinahagi nga nito sa social media.

Ang naging selebrasyon nga ng unang taong gulang na kaarawan ni Baby Sari ay may tema na iba’t ibang mga kulay, o isa ngang colorful birthday celebration. Ito ay dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kapamilya nina Maia at Jhone, at siyempre ng ilan ding mga chickiting. At dahil si Baby Sari ang may kaarawan, ay hindi nga nawala sa naturang selebrasyon ang pagkakaroon ng mga palaro pambata na ine-enjoy nga ng mga bisita na chickiting sa kaarawan ni Baby Sari.

Makikita naman sa official page ng Nice Print Photography na sila ang nag-capture ng mga masasaya at magandang moments sa unang taong gulang na kaarawan ni Baby Sari. Ilan nga sa mga larawan na ibinahagi ng Nice Print Photo ay masisilayan ang napaka-cute at adorable na si Baby Sari suot ang kanyang simple pero classy na OOTD birthday dress.

Bilang mga magulang ay walang ibang hangad sina Maia at Jhong para sa kanilang anak na si Baby Sari, kundi ang io ay lumaki ng maayos. Kaya naman upang mas matutukan ni Jhong ang paglaki ng kanyang anak, ay hinay hinay muna nga siya sa kanyang showbiz career at mas pokus nga muna ngayon sa kanyang pamilya.



Sulyapan Ang Masaya At Makulay Na 1st Birthday Ng Baby Girl Nina Jhong Hilario At Maia Azores
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments