Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Enchong Dee Muling Binalikan Ang Kanyang Kabataan Ng Bumisita Sa Kanyang Childhood Hometown

Muling inalala ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang kanyang kabataan ng siya ay bumisita sa Naga City, ang kanya ngang childhood hometown. Kamakailan nga lamang ay ipinasilip ng aktor sa kanyang YouTube vlog ang kagandahan ng Naga City, tila nga nagkaroon ng “Naga Tour” si Enchong dahil sa ipinakita niya sa mga followers at subscribers niya sa YouTube ang ilan sa mga magagandang lugar sa kanyang childhood hometown.

Sa pamamasyal ni Enchong sa nasabing lugar, ay napasyalan din nga niya ang dating tahanan na kanilang tinirhan sa naturang lugar. Ayon sa aktor, sa nasabing bahay siya lumaki, at hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot, ngayong nakita niya na malaki na nga ang ipinagbago ng bahay na kanyang kinalakihan.

Pero nasiyahan din naman ang aktor, ng makita niya na mayroon pa ring mga bahagi sa dating bahay na kanilang tinitirhan ang hindi nabago hanggang ngayon.
Hindi naman nakaligtaan ni Enchong na ipasyal ang marami niyang mga tagasubaybay sa mga lugar sa Naga City na madalas nilang bisitahin ng kanyang pamilya noon, nu’ng doon pa sila naninirahan sa nasabing lugar. Pinuntahan din ng aktor ang ilang mga signature dishes sa lugar, kagaya na lamang ng kinunot at kinalasan.

Isa pa sa mga lugar na pinasyalan ng Kapamilya actor sa Naga ay ang isang swimming pool, kung saan ayon sa kanya, ay doon siya madalas nag-eensayo noon bilang isang manlalangoy. Nakita niya na wala na ngang tubig ngayon ang dating swimming pool na ineensayuhan niya, kaya naman hindi rin niya maiwasan ang magkaroon ng ‘sad feeling.’

Ayon pa nga kay Enchong tila nagbalik sa kanyang alaala ang mga childhood memories niya, kung saan ay karamihan nga rito ay masasaya. Nasambit din niya na sana ay tulad pa rin noon ang naturang swimming pool.

“It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig but I’m here — a lot of things flashing back, a lot of childhood memories replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here,” pagbabahagi ng aktor.
Nagtungo rin si Enchong sa dating paaralan kung saan siya nag-aaral noon ng high school, at ito nga ay ang Naga Hope Christian School.

Pagbabahagi pa ni Enchong sa naturang lugar nga nagsimula ang kanyang mga pangarap , kaya naman talagang labis ang kanyang saya na muling makabisita roon.
“It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy. Dito nagsimula lahat, lahat ng pangarap”, ani pa ni Enchong.



Enchong Dee Muling Binalikan Ang Kanyang Kabataan Ng Bumisita Sa Kanyang Childhood Hometown
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments