Sa Primetime Bida ng Kapamilya network, isa ang ‘FPJ’s Ang Probinsyado’ ang talaga namang inaabangan gabi-gabi ng maraming mga manonood dahil sa napakagandang takbo ng istorya nito, kaya naman hindi na nga nakapagtataka na ito ngayon ang isa sa longest tv series sa telebisyon.
Maliban nga sa bidang karakter sa nasabing serye na si “Cardo Dalisay” na ginagampanan nga ng aktor na si Coco Martin, ay may iba pang mga tauhan ngayon na sinusubaybayan sa nasabing serye, ito nga ay ang karakter nina Sharon Cuneta at Julia Montes.
Ngayon nga ay magkatrabaho sina Sharon at Julia sa nasabing serye, kung kaya naman mas naging malapit pa ang dalawa sa isa’t isa. Sa istorya nga ng bagong kabanata ng FPJ’s Ang Probinsyano ay gumaganap bilang tunay na mag-ina sina Sharon at Julia, kung kaya naman sa tunay na buhay ay tila nais na nga ni Mega Star na maging tunay na rin talaga niyang anak ang Kapamilya actress.
Sa kuwento ng serye ay anak ni Sharon (bilang si Aurora) si Julia kay Presidente Oscar Hidalgo na ginagampanan ng aktor na si Rowell Santiago.
Kamakailan nga lamang sa Instagram ni Mega Star Sharon Cuneta ay kanyang ibinahagi na mas lalo pa siyang napalapit ngayon kay Julia, at mas napamahal siya sa aktres ngayon na sila ay nagkatrabaho sa isang serye.
“Habang tumatagal, lalo syang napapalapit at napapamahal sa akin. Gusto ko na nga ampunin si @montesjulia08 para maging anak ko na talaga! Love you baby ko!”, ang naging Instagram post ni Mega.
Kalakip nga ng IG post na ito ni Mega Star ay ang larawan nila ni Julia, kung saan ay makikitang angkas siya sa motor ng aktres habang nakayakap nga siya rito.
Matatandaan naman na noong nakaraang buwan ng magdiwang ng kanyang kaarawan si Mega Star, ay nagbahagi rin ng kanyang birthday greetings si Julia sa kanya, at nilakipan din niya ito ng kaparehong larawan.
Ayon naman sa mga netizens, papasa ngang mag-ina sina Sharon at Julia, dahil sa parehong nakahuhumaling ang kanilang mga ngiti.
Base naman sa ilang mga ulat, si Mega ay mananatili sa FPJ’s Ang Probinsyano hanggang sa ito ay matapos, ngunit hanggang ngayon nga ay hindi pa alam kung kailan magwawakas ang pinakamatagal ng serye ng Kapamilya network.
Sa kasalukuyan naman ay nasa Ilocos nga ang cast ng naturang serye, kabilang sina Sharon at Julia, kung saan dito ginaganap ang kanilang lock-in taping.
Sharon Cuneta At Julia Montes Mas Lalo Pang Naging Malapit Sa Isa’t Isa
Source: Viral Pinas News




0 Comments