Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Nadine Lustre Pina-Wow Ang Mga Netizens Ng Kanyang Mala Sirenang Kagandahan

Isa si Nadine Lustre sa mga aktres na mahilig sa mga beach, nature at adventures, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit isa rin siya sa mga artista na nahumaling sa mala-paraisong isla ng Siargao. Noon ngang nakaraang taon ay nagdesisyon si Nadine na lumipad patungong Siargao, upang doon ay i-enjoy ang island life, at dahil napamahal na nga sa kanya ang naturang isla ay itinuring na niya itong kanyang pangalawang tahanan.

Samantala, marami sa atin ang hindi nakababatid na isa sa mga pangarap ni Nadine ay ang maranasan na maging isang sirena, at kamakailan lamang ay nabigyan na nga ito ng katuparan ng aktres, matapos niyang mag-transform bilang isang napakagandang sirena para sa isang Magazine photoshoot.

Sa latest Instagram photoshoot ni Nadine ay ipinasilip niya ang isang larawan niya, kung saan ay kanyang ibinida ang mermaid look niya. Dream come true nga naman talaga ito para sa aktres.
Dahil sa kanyang napakagandang mermaid look para sa pinakabago niyang magazine photoshoot, ay talaga pinahanga ng Kapamilya actress ang napakaraming mga netizens.

Caption ni Nadine sa larawan na kanyang ibinahagi, “Living out a dream for Mega Magazines Anniversary Issue.” Ayon sa Kapamilya actress, ang kanyang mermaid look photoshoot ay parte ng ‘rebirth’ series ng Mega fashion magazine para sa pagdiriwang nito ng ika-30 taong anibersaryo.

Tunay namang kahanga-hanga ang kagandahan ni Nadine sa larawan niyang ito, at tila naman bagay na bagay sa kanya ang gumanap na isang sirena sa isang TV series o pelikula. Dahil sa napakaraming netizens ang talaga namang namangha sa mermaid look ng Kapamilya actress ay umabot na 400K ang nagbigay ng ‘pusong reaksyon’ sa nasabing larawan niya na ito.

Si Nadine Lustre ay kilala bilang mahusay na aktres at singer. Itinuturing din siya na isa sa mga phenomenal actress ng kanyang henerasyon sa mundo ng showbiz. Maliban pa sa pagiging singer-actress, ay tinitingala rin si Nadine sa mundo ng fashion bilang isang creative artist at mahusay na modelo.

Hindi lamang naman hinahangaan at iniidolo si Nadine dahil sa kanyang pagiging isang artista o personalidad na tinitingala sa showbiz, dahil maraming mga kababaihan din ang humahanga sa kanyang tapang at paninindigan bilang isang babae. Matatandaan na noong isang buwan ay isa si Nadine, sa mga artista na nanguna na magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette,

kung saan katuwang nga niya sa pamamahagi ng relief goods ang kanyang French-Filipino boyfriend na si Christophe Bariou.

Sa kasalukuyan ay magkakaroon ng comeback movie si Nadine, kung saan ang titulo nito ay ‘Greed’ at makakatambal niya rito ang aktor na si Diego Loyzaga. Marami sa mga tagahanga niya ang inaabangan na nga ang muling pagbabalik pelikula ng Kapamilya actress.



Nadine Lustre Pina-Wow Ang Mga Netizens Ng Kanyang Mala Sirenang Kagandahan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments