Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Cute na Cute Na Throwback Photo Ng Magkapatid Na Ria At Arjo Atayde

Noon pa man ay uso na ang pagkuha ng mga larawan. Masasabi nga natin na ang isang larawan ay tunay na mahalaga sa buhay ng isang tao, sapagkat ito ang nagsisilbing alaala ng mga lumipas na pangyayari sa ating nakaraan.

Kahit nga ngayong panahon ay nauuso pa rin ang pagkuha ng mga larawan, ngunit mas pina-high tech lamang ito dahil sa makabaging teknolohiya ngayon. Sa kabila nito, ay marami pa rin sa atin ang mayroong mga lumang larawan na nakatago sa ating mga tahanan, sapagkat ang mga ito ay atin ngang pinapahalagaan. Tulad na nga lamang ng naging pagpapahalaga ni Ria Atayde sa mga lumang larawan nila noon ng kanyang kapatid, kaya naman ngayon ay patuloy pa rin nilang nababalikan ang mga magagandang alaala noong kanilang kabataan.

Samantala, kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-10 taong selebrasyon bilang isang prominenteng aktor sa mundo ng showbiz si Arjo Atayde. Hindi naman pinalampas ng kapatid ni Arjo na si Ria Atayde na ipahayag ang kanyang saloobin at paghanga sa kanyang kapatid.

Sa kanya ngang Instagram ay nagpaabot ng kanyang pagbati si Ria para sa kapatid niyang si Arjo, ito ay para nga sa panibagong milestone ng aktor sa career nito sa showbiz. Kalakip ng mensahe ni Ria kay Arjo ay ang mga throwback photo nila noong sila ay mga bata pa, kung saan ay makikita nga ang kanilang closeness dahil habang sila ay nakangiting nakaharap sa kamera ay mapapansin rin na pareho nilang pinipisil ang pisngi ng isa’t isa.

“This dude marks his 10th year in showbiz today. What a beautiful 10-year career it has truly been!!! I am so proud of you and of everything you have achieve”, ani Ria sa unang bahagi ng kanyang mensahe.

Dagdag pa niya, “But among all those roles you’ve potrayed, my favorite would still be have to be my brother because even with the craziness of everything else, that’s one thing you’ve never forgotten to do – to stay humble and to be the same Arjo you have always been.”

Kaagad namang nagbigay ng kanyang tugon si Arjo sa sweet na mensahe na ito ng kanyang kapatid na si Ria, at pinaabot din ang kanyang pasasalamat sa kapatid dahil sa pagiging ‘best sister’ nito sa kanya.
“Thank you wiwi! Could not have survive 10 years without you. I love you wi.. thank you for being the best sister anyone could ask for. [red heart emoji] solid”, ang tugon nga ng aktor.

Dahil sa pagiging adorable ng magkapatid sa kanilang nasabing larawan noong sila ay bata pa ay hinikayat nga ni Ria si Arjo na dapat ay magkaroon sila ng remake nito, at kaagad naman itong sinang-ayunan ni Arjo, at sinabi pa ngang “And yes to remaking the photo [emoji].”

Pinanggigilan naman ng maraming netizens ang cute na larawan ng magkapatid na Arjo at Ria, at ang iba nga ay nagkomento pa na excited na sila sa gagawing remake ng mga ito sa kanilang dating larawan.

Ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde ay parehong kilala ngayon sa industriya ng showbiz bilang mga mahuhusay na artista, at hindi naman nakapagtataka na ang magkapatid ay may angking husay at galing sa pag-arte, sapagkat sila ay mula sa pamilya ng celebrity dahil ang kanilang ina na si Sylvia Sanchez ay isa sa mga sobrang sikat na aktres nu’ng kapanahunan nito.



Sulyapan Ang Cute na Cute Na Throwback Photo Ng Magkapatid Na Ria At Arjo Atayde
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments