Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Coleen Garcia Ibinahagi Ang Nakakaaliw Na Larawan Ni Baby Amari

Madalas sa mga cute and adorable baby na ating nasisilayan ay may katabing mga stufftoys, teddybear o di kaya naman ay laruang rattles sa kanilang pagtulog. Ngunit tila nga iba ang trip ng napa-cute na baby boy ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, sapagkat ang itinatabi nga nito sa kanyang pagtulog ay isang totoong bola ng basketball.

Ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ay kabilang sa mga celebrity couple sa showbiz na sinusubaybayan ng marami, magmula pa ng sila ay maging magkasintahan, maging mag-asawa hanggang sa magkaroon ng sarili nilang anak.

Magmula nga ng opisyal na ipakilala ng mag-asawa ang kanilang anak sa publiko na isang baby boy at pinanganalan nga nilang si Amari, ay nakuha na rin ng naturang sanggol ang atensyon ng publiko. Mas lalo pang kinagiliwan ng maraming netizens si Baby Amari dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan na namana niya sa magkahalong ‘genes’ ng kanyang mga magulang.

Habang lumalaki naman si Amari ay hindi naman maiwasan na lumabas na rin ang kakulitan nitong taglay. Halimbawa na lamang nito ay latest Instagram post ni Coleen, kung saan ay ibinahagi niya ang isang nakakaaliw na larawan ng kanyang anak habang ito nga nasa kama.

Kalakip ng naturang larawan ay ang paglalahad din ni Coleen na kapag bedtime hour na ay may routine na silang nakasanayan gawin ng anak niyang si Amari, kabilang na dito ang pag ‘say’ ng goodnight sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at ang pagkuha nga ng kanyang anak ng isang bagay na magbibigay ‘comfort’ dito na dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtulog.

“Raw reality. We have a bedtime routine that includes saying good night to everything in the house, during which Amari gets to pick a comfort item to bring to bed with him. He nurses to sleep while holding them”, caption ni Coleen sa kanyang IG post.

Ayon pa kay Coleen, noon umano mga bato at laruang bola ang ibinabaon ni Amari sa tuwing ito ay kanyang pinapatulog, ngunit ngayon nga ay tila upgraded na ang kanyang anak, dahil sa pagkakataon itong totoong basketball na ang dinala ni Amari sa kama.

“It used to be rocks and small balls, one on each hand, but tonigt we have graduated to full-sized basketball. Oh, the things I do for this child”, saad ng celebrity mom.
Dahil sa kaaliwan na hatid na ito ni Amari, ay talaga ngang umuwi pa ang ama niyang si Billy para lamang personal na masaksihan ang napaka-kyut na moment na ito ng kanyang anak.

Hindi lang naman sina Coleen ay Billy ang naaliw sa napaka-kyut na pagtulog na ito ni Baby Amari dahil maging kapwa celebrity ng mag-asawa ay napaka-comment din sa IG post na ito ni Coleen. Ilan nga sa mga nagkomento ay sina Katarina Rodriguez at mag-asawang Cristine at Julius Babao.

Umani rin ng paghanga mula sa mga netizens si Coleen, dahil sa pagiging hands-on mommy nito kay baby Amari. Marami nga ang nagsabi na hindi lamang sa pagiging isang aktres at pag-host kahanga-hanga si Coleen, dahil tunay ding nakakabilib ang pagiging isa niyang Mommy kay Amari.



Coleen Garcia Ibinahagi Ang Nakakaaliw Na Larawan Ni Baby Amari
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments