Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Crash Landing On You’ Stars Na Sina Son Ye Jin at Hyun Bin Ikinasal Na

Marami ang nahu-hook ngayon sa mga Korean celebrity, ito ay dahil sa mga nakakakilig at magagandang Korean movies na kanilang pinagbibidahan. Kabilang na nga ang mga Pinoy sa talaga namang nahuhumaling ngayon sa mga Korean celebrity at Korean movies.

Sina Son Ye Jin ay Hyun Bin ay ang dalawa sa mga bigating Korean celebrity na bumida sa hit series na ‘Crash Landing on You’, at kamakailan lamang ay kanila ngang pinasaya ang mga tagahanga nila ng opisyal nilang i-anunsyo sa publiko ang kanilang engagement sa tunay na buhay.

Ang dalawa nga ay real-life couple, at noon ngang ika-10 lamang ng buwan ng Pebrero, ay masaya nilang ibinahagi sa lahat na mag-lelevel up na ang kanilang relasyon, dahil sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ang anunsyo naman na ito ng magkasintahan ay nagbigay ng saya at kilig sa marami nilang mga fans.

Sa isang sulat na ibinahagi ni Hyun Bin sa Instagram account ng kanyang agency na Vast Entertainment, ay inilahad nga ng Korean star ang pagnanais niyang ipaalam sa mga sumusuporta sa kanya ang isang mahalagang desisyon na kanyang ginawa at ito nga ay ang pakasalan si Ye-Jin.

“There are people who guess, right? Yes, I maid an important decision to get married, and I’m going to carefully step into the second phase of my life”, ang naging pahayag ni Hyun Bin.
Saad pa ng aktor, ang desisyon niya na ito na magpakasal na ay pinag-isipan niyang mabuti, at hangad niya na suportahan siya ng mga tagahanga niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay kapiling si Ye-Jin.

“Promised her I will always make her smile. To walk together through the coming days. I think you’ll cheer for our first steps with the warm and affectionate love you’ve sent us so far. Then I hope everyone will stay healthy until the days we meet and greet”, dagdag na saad pa ng Korean actor.

Makikita naman sa Instagram account ni Ye-Jin ang pagbabahagi rin niya ng desisyon niyang magpakasal. Ayon pa sa kanya, nararamdaman niyang nakatandaha sila ni Hyun Bin para sa isa’t isa.
“It happened so naturally,… But, isn’t that destiny?”, ani Ye-Jin.

Dagdag pa niya, “Just being with him, I feel warm and protected.”
Pahayag pa din ng Korean actress, hangad din niya ang suporta ng kanyang mga fans tungkol sa desisyon niyang ito na magpakasal na.

“And to my dearest fans, I have received unconditional love and for a long time now, I thought, there’s no way to repay it. Please know that I’m infinitely grateful and I also wish you all happiness”, saad pa niya.

Ayon naman sa ulat na inilabas ng MS TEAM Entertainment, ang agency ni Ye-Jin, sa susunod na buwan na gaganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawang Korean stars, at ito ay mangyayari sa Seoul, South Korea.



‘Crash Landing On You’ Stars Na Sina Son Ye Jin at Hyun Bin Ikinasal Na
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments