Noon lamang ika-6 ng Pebrero ay nagdiwang na ng ika-10 taong gulang na kaarawan ang anak ni John Estrada na si Samantha Anechka. Si Samantha ay anak ni John sa kanyang asawang si Priscilla Merielles, na isang beauty queen-actress. Si Anechka ay close na close sa kanyang amang aktor, kaya naman talagang Daddy’s girl ito.
Dahil sa napakabilis naman talaga ng paglipas ng panahon, ay hindi naiwasan ng aktor na maging emosyonal naa espesyal na araw ng kanyang anak, lalo na’t napakabilis nga ng paglaki nito.
Sa araw nga ng ika-10 taong gulang na kaarawan ni Anechka, ay nagbahagi si John ng birthday message niya para sa kanyang anak, at kalakip nito ay ang mga throwback photos nila ng kanyang anak.
“Wow time really flies…. I still remember vividly those times when you were just starting to walk. Your first words. … Those times when I can still carry you in my arms”, ang naging saad ng aktor sa unang bahagi ng kanyang mensahe para sa anak.
Muli ngang inalala ni John sa ika-10 taong pagdiriwang ng kaarawan ng anak niyang si Anechka ang mga panahon na ito ay musmos na bata pa lamang. Mga panahon na unti-unti pa lamang itong natutong maglakad, at mga panahon na kinakarga pa niya ito.
Saad pa ng aktor, talagang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang anak niya noon na isinasakay niya pa sa stroller para maipasyal, ngayon nga ay sampung taong gulang na.
“Those days whenyou’re still in your stroller when we go pasyal. Your first day in school…. And now all of sudden you’re 10 years old”, ani pa ni John.
Ipinaabot din ni John sa huling bahagi ng mensahe niya para sa kanyang anak, ang birthday wish niya para rito at ang pagbati niya rito ng isang maligayang kaarawan.
“On your special day my love, all I’m praying is that for the good Lord to keep you safe and for you to be healthy always. Rest assured mommy and Didi will always be here to guide, protect and love you till the day we die. I love you Anechka. Happy happy 10 th birthday my love”, ang birthday wish nga ni John para sa kanyang anak.
Maliban kay Samantha Anechka ay may lima pang anak si John Estrada, at ito nga ay sa dati niyang asawang si Janice de Belen.
John Estrada Ibinahagi Ang Sweet Birthday Message Para Sa Kanyang Anak Na Si Anechka
Source: Viral Pinas News








0 Comments