Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Masayang Pagdiriwang Ng Kaarawan Ng Anak Ni Andi Manzano Sa Bansang Singapore

Tunay namang napakabilis ng paglipas ng panahon, at bilang mga magulang ay talaga namang mahalaga na i-treasure natin ang kabataan ng ating mga anak, lalo na’t napakatulin nga nilang lumaki at parang kailan lang ay kalong-kalong lang natin sila ngunit sa pagdaan nga ng panahon ay masisilayan na natin ang paglaki nila at kakayahan na gawin ang mga bagay na sila lamang.

Isa sa mga bagay na talaga namang tini-treasure ng mga magulang ay ang kaarawan ng kanilang mga anak, kung saan ay pinagbubuhusan nga nila ito ng panahon at oras ng preparasyon upang masigurado lamang na mabibigyan nila ng kasiyahan ang kanilang anak.

Tulad na lamang ni Andi Manzano, bilang isang ina ay ang mapaligaya ang anak sa kaarawan nito ang nais niya, kaya naman sa ika-7 taong gulang na kaarawan ng kanyang anak na si Olivia ay sinigurado niya na magiging masaya at memorable sa anak ang araw nito. Sa Instagram account din ni Andi ay ipinaabot niya ang pagbati niya para sa anak, kalakip nito ay ang larawan ni Olivia na katabi ang birthday cake nito.

“Turning 7 this Sunday. Can you believe it? Baby O is now Lady O”, ang naging saad ni Andi sa kanyang Instagram post.Hindi naman nagpahuli ang asawa ni Andi at am ani Olivia na bumati sa anak, kung saan ay nagpahayag din ito ng kanyang madamdaming mensahe ng pagbati.

“Day 732. March 20, 2022. 7 years ago today God gave us a gift that would not only light up our lives but light up the lives of so many other all over the world through technology and social media”, ang saad nga nito.

Dagdag na saad pa niya, hindi siya makapaniwala na ang kauna-unahan nilang celebrity IG baby ay 7-years old na ngayon. Proud din niyang inihayag na ang anak na si Olivia ay hindi lamang sa kanilang mag-asawa naghahatid ng saya, bagkus ay pati na rin sa iba.

“I can’t believe it’s 7 years since that beautiful day”, ani nito. Maraming mga netizens naman at malalapit na kaibigan ng mag-asawa ang nagpaabot rin ng kanilang mensahe ng pagbati para sa kaarawan ni Olivia.

Napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon, kaya naman bawat araw at oras ay tunay na kailangan nating bigyan ng importansya lalo na pagdating sa ating mga anak, dahil hindi nga naman habang buhay ay mananatili silang bata. Sulitin nga natin ang oras at araw na sila ay ating nakakalaro at nakakasama.



Sulyapan Ang Masayang Pagdiriwang Ng Kaarawan Ng Anak Ni Andi Manzano Sa Bansang Singapore
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments