Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘It’s A Baby Boy” Yan Ang Masayang Anunsyo Ni Dimples Romana Sa Kanilang 3rd Baby

Isang masayang balita kamakailan lamang ang isinapubliko ng Kapamilya actress na si Dimples Romana at ng mister niyang si Boyet Ahmee, at ito nga ay ang pagkakaroon ng karagdagang miyembro sa kanilang pamilya sapagkat ipinagbubuntis na nga ni Dimples ang magiging Baby number 3 nila.

Tunay na marami ang nasiyahan para kay Dimples at sa kanyang pamilya sa panibagong blessings nga na ito sa kanila. At dahil sa anunsyo na ito ng aktres ay inabangan na din ng marami ang gaganapin na baby gender reveal ni Dimples para nga malaman na kung ano ang magiging gender ng madaragdag na miyembro ng kanilang pamilya.

At ang inaabangan nga na gender reveal para sa Kapamilya actress ay nangyari na, at masaya nga na ibinahagi ni Dimples na isang bouncing baby boy ang inaasahan nilang mag-asawa na magiging gender ng kanilang magiging ikatlong anak.

Noon ngang ika-27 ng buwan ng Marso taong 2022 ng maganap ang geder reveal party para kay Dimples at ito nga ay dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at ilang mga malalapit na kaibigan.
Kabilang nga sa mga dumalo sa nasabing okasyon ang ilang mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz, tulad na lamang nina Angel Locsin, Neil Arce, Janus del Prado, Sue Ramirez at Kaila Estrada.

Tunay namang star-studded an naturang gender reveal party para kay Dimples, dahil naroroon nga rin sina Lara Quigaman, Marco Alcaraz, Kim Molina at Jerald Napoles, at marami pa ngang iba.
Opisyal na inanunsyo ni Dimples ang patungkol sa pagbubuntis niya para sa Baby Number 3 nila ng kanyang asawa ay noong ika-18 ng Marso taon ng kasalukuyan. Kasunod na nga nito ay makikita din ang naging pagbabahagi ni Dimples sa kanyang IG update kung gaano na siya ka-excited na maisilang at tuluyan nga na masilayan at nahawakan ang kanyang magiging ikatlong anak.

“I’m so thrilled to meet you in three months, baby E. You have ignited emotions of GROWTH, SELF PRESERVATION, LOVE and COURAGE in me. With your coming Baby E, mommy is RENEWED”, ang naging saad nga ni Dimples.

Taong 2003 ng ikasal si Dimples Romana sa mister niyang si Boyet Ahmee. Ang panganay na anak nila ay si Callie na ngayon nga ay 18-taong gulang na at kasalukuyan na ngang naninirahan sa Australia at doon nga nag-aaral ng kurso sa pagpipiloto. Ang isa pa nga nilang anak ay si Alonzo na ganap ng 7-taong gulang noon buwan ng Pebrero.

Sa kasalukuyan ay mapapanood natin si Dimples Romana sa isa sa mga Primetime series ng Kapamilya network, kung saan ito ay ang pinagbibidahan nina Charlie Dizon at Joshua Garcia.



‘It’s A Baby Boy” Yan Ang Masayang Anunsyo Ni Dimples Romana Sa Kanilang 3rd Baby
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments