Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Silipin Ang Masayang Kasalan Nina Bryan Santos At Marlann Flores

Kaagad ngang pinatamis nina Bryan Santos at Marlann Flores ang kanilag buhay sa unang buwan ng kasalukuyang taon, ito nga ay matapos na mauwi na sa kasalan ang relasyon nilang dalawa at tuluyan na nga silang magsumpaan sa harap ng altar ng pag-ibig nila sa isa’t isa.

Sa mundo ng showbiz ay marami na tayong mga kilalang personalidad na kahit ilang taon na naging magkasintahan ay nauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon dahil nga sa kanilang busy schedule, ngunit sina Bryan ar Marlann ay isa nga sa mga nagawang lampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon at kahit nga sila ay parehong nasa mundo ng showbiz ay nanatili nga silang matatag at mas lalo pang tumibay ang kanilang pagmamahalan sa paglipas ng panahon.

Si Bryan Santos ay kilala sa mundo ng showbiz bilang isang aktor, maliban pa dito siya rin ay pamangkin ni Charo Santos-Concio at ni Malou Santos, na siya namang head ng Star Cinema.

Sa kabuuan ng karera ni Bryan sa pagiging isang aktor, ay napatunayan na nga nya kung gaano siya kahusay pagdating sa ganitong larangan, at talaga namang ‘deserve’ niya ang tinatamasa niyang kasikatan. Matatandaan na ang kanyang galing sa pag-arte ay mas naipakita niya noong siya ay mapabilang sa seryeng ‘Imortal’ na pinagbidahan noon nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Naging isa rin si Bryan noon sa grupong ‘Harana’ kung saan ay kanyang nakasama sa pagpapakilig ng maraming mga manonood sina Joseph Marco, Marlo Mortel at Michael Pangilinan. Isa rin si Bryan sa mga binata sa mundo ng showbiz na hindi maikakaila ang pagkakaroon ng gwapong mukha, dagdag points pa nga ang pagiging isa niyang mestizo.

Kahit naman napakaraming magagandang aktres sa mundo ng showbiz, ay si Marlann Flores lamang nga ang nakakuha ng pansin ni Bryan at ito ang nakabihag sa puso ng binatang aktor. Unang nagtagpo ang kanilang landas sa seryeng ‘Imortal’ kung saan sila nga ay gumanap bilang sina Gael at Olive.

Sina Bryan at Marlan ay na-engaged sa isa’t isa noong taong 2021 sa mismong araw ng mga puso o Valentine’s Day. At matapos nga ang halos isang taon na pagiging engaged sa isa’t isa, noon ngang ika-4 ng Enero, araw ng Martes ay ikinasal na ang dalawa.

Naging pribado ang pag-iisang dibdib ng dalawa, ngunit kahit na hindi sila nagbahagi ng mga larawan sa kani-kanilang social media account ay nasilip pa rin nga ng kanilang mga tagahanga ang ilang kaganapan sa naging pag-iisang dibdib nila sa tulong na rin ng mga ibinahaging larawan at video ng mga naging bisita sa nasabing okasyon.

Isa nga sa mga panauhin sa kasal nina Bryan at Marlann ay ang pinsan ng aktor, kung saan ay nagbahagi nga ito ng ilang sweet na larawan ng newly wed couple na may kalakip pa ngang mensahe na nagpapahayag kung gaano nila katanggap sa pamilya s Marlann.

“Congrats cuz @bryansantos _ welcome to the family @marlannflores”, ani nga ni Badji Mortiz.
Tila nga naging daan ang showbiz para sa pagmamahalan nina Bryan at Marlann, at sa kabila nga ng maraming pagsubok ay nanatili silang inlove sa isa’t isa sa loob ng siyam na taon hanggang sa dumating na nga ang araw na sila ay magsumpaan na sa harap ng altar.



Silipin Ang Masayang Kasalan Nina Bryan Santos At Marlann Flores
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments