Kahit sinong babae nga naman siguro ay nangangarap na pagdating ng araw ay magampanan niya ang pagiging isang ina, dahil tunay naman isang biyaya ito na maituturing. At tulad ng ibang babae, ay isa rin ang aktres na si Angelica Panganiban ang noon pa man ay pinangarap na ang maging isang ina, kaya naman nito lamang nakaraan ng malaman niya na siya ay nagdadalang-tao na nga ay hindi matawaran ang kasiyahan na kanyang nararamdaman.
Magkahalong kaba at saya, yan ang nga ang unang naramdaman ni Angelica Panganiban o mas kilala sa tawag sa kanya na Angge, ng sa hindi niya inaasahan na pagkakataon ay malalaman nga niya na siya ay buntis. Ayon nga kay Angge, magkahalo ang emosyon na kanyang naramdaman, lalo na’t isa nga ang magandang balita na ito sa noon pa man ay kanyang pinapangarap at matagal na niyang hininhintay.
“Napakatagal kong hinintay ito”, ang kataga ngang binanggit ni Angge ng una niyang malaman na siya ay buntis.Si Angge ay isa lamang nga sa mga aktres sa mundo ng showbiz na noon pa man ay pangarap na ang magkaroon ng kanyang anak o sarili nga niyang pamilya. At dahil nga ang kanyang buhay ay tunay na naging bukas sa publiko, ay batid rin ng marami sa atin na hindi naging madali para sa kanya na mabigyan ng katuparan ang pangarap niyang ito, lalo na’t marami nga siyang naging kabiguan pagdating sa kanyang mga nakarelasyon.
Sa kabila naman ng ilang beses na pagkabigo sa pag-ibig ay nanatili ngang positibo ang pananaw ni Angge na darating din ang tamang tao para sa kanya. At kamakailan nga lamang ay muli nga niyang binuksan sa publiko, na ngayon ay masaya ang kanyang puso sa piling ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.
Samantala, nito lamang nakaraan ay masaya ngang ibinalita ni Angge sa publiko na siya at ang partner niyang si Gregg ay magkakaroon na ng kanilang anak. Labis naman ang kasiyahan ng aktres sa biyaya na ito na kanyang natanggap sa buhay, at nang siya nga ay makapanayam ng Star Magic Inside News ay ibinahagi niya ang kanyang pregnancy journey at kung paano nga ba niya nalaman na siya ay positibo ng nagdadalang-tao.
“Nalaman ko siya na hindi namin ine-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in taping para sa My Papa Pi, kasama si Papa Pi (Piolo Pascual). And then delayed lang talaga ang period ko. So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali.”, ani Angge.
Pagbabahagi nga ni Angge, nalaman niya na positibong buntis siya habang siya ay nasa lock-in taping ng dapat ay magiging proyekto niya na kasama ang aktor na si Piolo Pascual.
Ayon naman sa aktres, nang makumpirma na nga niya ang kanyang pagdadalang-tao ay agad niya ito sinabi sa kanyang doktor at siyempre sa Star Magic, dahil nga sa siya ay may proyektong gagawin. Ipinagpapasalamat naman niya ang naging pagpayag ng management ng “My Papa Pi” [ang proyekto na dapat ay gagawin ni Angge kasama si Piolo Pascual] ng sabihin nga niyang bibitawan niya ang naturang proyekto, ito ay dahil sa mas nais nga muna niyang bigyan ng pansin at pokus ang kanyang pagbubuntis.
Naikuwento rin ni Angge sa panayam sa kanya kung ano ba ang naging reaksyon ng partner niyang si Gregg Homan ng malaman na nga nito ang kanyang pagbubuntis, at ayon nga sa aktres ay hindi napigil ng kanyang partner ang maging emosyonal sa labis nitong kasiyahan.
Marami naman ang agad na nagpaabot ng pagbati ng ‘congratulations’ para kay Angge at Gregg ngayon na sila ay malapit ng maging ganap na mga magulang.
Aktres Na Si Angelica Panganiban Hindi Matawaran Ang Kasiyahan Ngayong Magiging Isang Ina
Source: Viral Pinas News






0 Comments