Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Angelica Panganiban Hot Mommy Sa Suot Na Swimsuit Habang Ibinibida Ang Kanyang Baby Bump

Kailan lamang ng masayang ianunsyo ng aktres at ngayon ay soon-to-be-mommy na nga na si Angelica Panganiban na sila ng kanyang partner na si Gregg Homan ay magkakaroon na ng panganay na anak, ito ay matapos nga niyang isapubliko ang kanyang pagbubuntis. Ayon pa sa aktres, ang pagbubuntis nga at pagkakaroon ng anak ang isa sa matagal na niyang pinapangarap sa kanyang buhay kaya naman talagang labis ang kasiyahan niya ng makumpirma niya na siya ay positibo ngang nagdadalang-tao.

Samantala, halos dalawang buwan matapos kumpirmahin ni Angge ang kanyang pagbubuntis, nito nga lamang ika-21 ng Abril ay makikita sa mga bagong larawan niya sa Instagram account ang naging pagbibida niya sa kanyang lumalaki ng baby bump.

Ang mga naturang larawan na nga ito ni Angge na ibinahagi niya sa kanyang Instagram ay kuha ng sila ay masayang mag-beach trip ng partner niyang si Gregg Homan.
Mapapansin naman sa mga larawan na kahit buntis, ay tunay namang kahanga-hanga pa rin ang taglay na ganda ng soon-to-be-mommy ng aktres na si Angelica Panganiban.

Sa ilang larawan nga na ibinahagi ni Angge ay makikita na siya ay nakasuot ng white bikini at printed cover-up habang nasa beach, at sa isa namang larawan ng aktres ay makikita naman na siya ay nakasuo ng like blue bikini habang kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Sa mga larawan ding ito na nakasuot ng bikini si Angge, ay talaga namang ibinida niya ang kanya ngang lumalaki ng baby bump.
“BabyMoon [full moon emoji]”, ang maikling caption ni Angge sa kanyang IG post.

Maliban sa mga naturang larawan, ay ibinahagi rin ng soon-to-be-mommy na si Angelica sa kanyang IG stories ang ilang sa mga activities na ginawa nila ng partner niyang si Gregg sa kanilang naging beach triop, isa na nga sa mga ito ay ang romantic sunset dinner nilang dalawa kung saan ay talaga namang makikita kung gaano sila nag-enjoy.

“Nothing but joy! Thank you, universe”, aniya sa caption.
Mas lalo namang pina-wow ni Angelica ang marami ng ibahagi niya ang kanyang larawan kung saan ito nga ay isang bathroom selfie niya na siya ay makikitang nakasuot ng red lingerie.
Bumuhos naman ng maraming papuri ang blooming preggy awra ngayon ni Angge.

Ilan nga sa mga nagbigay papuri ay mga celebrity friend’s niya tulad na nga lamang nina KC Concepcion, Janine Gutierrez, Bela Padilla, Bianca Gonzales, Liz Uy, Sunshine Dizon at marami pa ngang iba.



Angelica Panganiban Hot Mommy Sa Suot Na Swimsuit Habang Ibinibida Ang Kanyang Baby Bump
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments