Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jeric Gonzales Nagbahagi Ng ‘Sweet Note’ Sa Kanyang Nobyang Si Rabiya Mateo

Matapos ang ilang mga bulung-bulungan tungkol sa kanila, beauty queen actress Rabiya Mateo at Kapuso actor na si Jeric Gonzales, kinumpirma na ang kanilang relasyon kamakailan lamang. Ito nga ay matapos na ibahagi ng dalawa sa kani-kanilang social media account ang ilan sa mga sweet photos nila, at sa naging pagpapalitan din nila ng mga matatamis na mensahe sa isa’t isa.

Kung may isa mang tao ngayon na nagpapaabot ng kanyang pagsuporta sa beauty queen actress na si Rabiya Mateo, maliban nga sa kanyang ina at pamilya, ito ay walang iba kundi ang ngayon ay nobyo niyang si Jeric Gonzales, na kilala ng publiko bilang isa sa mga aktor sa GMA-7 network.

Nito lamang nakaraan ay ipinakita nga ni Jeric sa kanyang Instagram story kung gaano niya sinusuportahan ang nobya, ito nga ay matapos na mag-host ni Rabiya sa segment ng Chika Minute noong isang gabi.

Nakalagay nga sa caption ni Jeric sa kanyang IG story ay, “Proud of you [[red heart emoji, kiss emoji”, at ito ay itinag niya sa nobyang si Rabiya.Matatandaan na ng makapanayam ng GMANetwork.com ang bagong Kapuso star ay hindi nga naitago ni Rabiya ang kanyang excitement sa panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng kinabibilangan niyang network, at ito nga ay ang maging host nga sa isa sa mga segment ng Chika Minute.

“I was very happy kasi as a person, madaldal talaga ako. And when I was having a meeting with my team, with my management under Sparkle, napag-usapan din na I really want to do hosting.
“Kaya parang a few days after noong meeting, na-pinch hit na ‘to na may possibility na I can do a segment for Chika Minute. Kaya hindi ko po sasayangin ‘yung opportunity,” saad ni Rabiya.

Samantala, noon nga lamang araw ng Miyerkules sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Rabiya kung ano ang masasabi niya sa karanasan niya na maging isang host. Ayon nga kay Rabiya ay napaka-blessed niya dahil naranasan niya ang ganitong experience. Nagpasalamat din siya sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan na magagawa niya ang bagay na ganito

“So, blessed to be the guest Chika Minute anchor yesterday in @24oras. It’s so exciting and refreshing to do something new outside your comfort zone. Forever thankful to all the people who continue to believe in me and see my potential.”



Jeric Gonzales Nagbahagi Ng ‘Sweet Note’ Sa Kanyang Nobyang Si Rabiya Mateo
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments