Kapag sinabi ngang ‘wet market’ agad na pumapasok sa ating isipan ay ang tipikal na hitsura ng palengke, ito nga ay ang maputik, madumi at may malansang amoy. May mga pagkakataon pa nga na sa sobrang dumi nito ay may mga parasitikong hayop tayo na nakikita rito, kagaya na lamang ng langaw, ipis o daga, ngunit sa kabila nito ay talaga namang dinarayo pa rin natin ang lugar na ito sapagkat dito tayo namimili ng ating supply sa pagkain araw-araw.
Ngunit alam niyo ba na may isang lugar dito sa Pilipinas na maipagmamalaki ang kanilang palengke dahil sa taglay nitong kalinisan at kaayusan. Ang malinis na palengke nga na ito ay matatagpuan sa Bukidnon Province, kung saan kamakailan nga lamang ay nag-trending sa social media ang pamilihang bayan nila na ito dahil nga sa angkin nitong kalinisan.
Makikita sa ibinahaging larawan ng netizens na si Kyle Jennerman ang kahanga-hanga ngang kaayusan at kalinisan ng public market ng Bukidnon Province. Dahil nga sa pagiging malinis at maayos nito ay hindi aakalain na isa itong wet market. Napakalayo kasi ng hitsura nito sa mga palengke na ating nakasanayan na puntahan sa tuwing tayo ay mamimili ng ating mga supply ng pagkain.
Kapansin-pansin din na walang anumang makikita na maliit na kalat sa loob ng palengke na ito ng nasabing lugar, dahil ang buong wet market nga na ito ay ubod ng linis kaya naman napakaaliwalas nitong tingnan. Sino nga bang mag-aakala na maari rin pang magkaroon ng ganito kalinis na wet market.
Dahil nga sa taglay na kalinisan at kaayusan ng Maramag Public Market ay tinagurian itong “Cleanest Wet Market in the Philippines.”Samantala, maliban sa wet market na ito ay kabibiliban din ang pagiging malinis ng palikuran sa lugar, na nagpapatunay lamang nga ng pagiging responsable ng bawat mamamayan na naninirahan dito. Nagpapatunay kasi ang kalinisan at kaayusan ng isang lugar na ang mga naninirahan dito ay marunong mangalaga sa kanilang kapaligiran.
Sana nga ang maging isang inspirasyon ang napakalinis at napakaayos na wet market na ito ng Bukidnon Province sa ibang lugar upang magawa rin nila na maayos at malinis ang kanilang pamilihang bayan, upang hindi rin nga dalawin o tambayan ng mga parasitikong hayop kagaya na lamang ng langaw, ipis o daga.
Hindi naman naiwasan ng maraming mga netizens ang mapa-wow sa taglay na kalinisan at kaayusan ng Maramag Public Market. Mapapaisip naman ang marami sa atin na maari naman palang maging ganito kalinis ang ating palengke, ngunit bakit nga ba hindi natin ito nagagawa sa ating lugar?
Alamin Ang Isang Lugar Sa Pilipinas Na May Maipagmamalaking Palengke Dahil Sa Taglay Na Kalinisan
Source: Viral Pinas News






0 Comments