Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Trending Ngayon Sa Social Media Ang Isang Lady Pilot Na Agaw-Pansin Ang Taglay Na Kagandahan

Hindi nga naman lahat ng maganda ay nag-aartista, dahil ang iba ay makikita natin sa ibang mga propesyon tulad na lamang ng isang babaeng piloto na kamakailan lamang ay nag-trending sa social media dahil sa kanyang kahanga-hanga at mala-artistang taglay na kagandahan.

Ang lady pilot nga na ito ay kinilalang si Khaysha Faizal, 24-taong gulang at nagtatrabaho nga bilang piloto sa isang Malaysian Airline Company. Makikita sa social media ni Khaysha ang kanyang mga larawan kung saan ay masisilayan nga ang kanyang kaakit-akit na kagandahan, isa na nga rito ang napakaganda niyang larawan kung saan ito ay selfie photo niya habang siya ay nasa loob ng eroplano.

Sa Twitter account naman ng dalaga ay makikita na siya ay kumakanta ng sikat na Malaysian music na “Rock Kapak”, at hindi lamang ang kanyang kagandahan ang pinuri ng mga netizens dito kundi maging ang taglay na ganda ng kanyang tinig. Agad ngang umani ng maraming re-tweet ang post niyang ito at marami rin ang nagbigay papuri sa maganda niyang boses.

Aminado naman si Khaysha na ang mga hilig niya talaga na musika ay mga rock music lalo na nga ang mga musika noong 1980’s.Samantala dahil nga sa agaw-pansin na kagandahan ni Kaysha, idagdag pa ang pagkakaroon niya ng magandang boses, ay marami ang talagang humanga sa kanya. Ang views nga ng kanyang video sa Twitter ay umabot na sa 384, 000 samantala nasa mahigit 200,000 na rin ang mga followers niya sa kanyang Instagram account.

Maliban pa nga sa papuri at paghanga, ilang mga netizens naman ang nakapansin ng pagkakahawig ni Kaysha sa Malaysian actress na si Lisa Surihani. Sa kabila naman ng marami ang nagsasabi sa dalaga na maari siyang mag-artista dahil sa kanyang taglay na ganda at talento, ay mariin naman na sinabi ni Kaysha na mahal niya ang trabaho niya bilang isang lady pilot. Magmula pa nga umano 15-taong gulang siya ay ito na ang pangarap niyang propesyon.

Proud rin nga si Kaysha sa kanyang piniling karera at masaya nga siya bilang bahagi ng Malaysia Airlines Berhab (MAB) na dati ay ang Malindo Air.Sa kabila naman na hindi madali ang maging isang babaeng piloto ay masaya naman si Kaysha dahil ang pangarap niya noong siya ay bata pa na propesyon ay talaga namang nabigyan niya ng katuparan, kung kaya naman talagang pinagbubutihan pa niya ang kanyang trabaho.In-encourage naman ni Kaysha ang ibang kababaihan na maging piloto, dahil sa napansin nga niya ang kakulangan ng babaeng piloto sa ganitong larangan.



Trending Ngayon Sa Social Media Ang Isang Lady Pilot Na Agaw-Pansin Ang Taglay Na Kagandahan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments