Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aling Maliit Na Si Ryzza Mae Dizon Ipinasilip Ang Isang Araw Na Ginawa Sa Bagong Bahay

Tunay nga namang kapag ikaw ay nagsumikap sa buhay kahit na nagmula ka sa pinakamababa ay maari mo pa ring makamit ang inaasam mong kaginhawaan at tagumpay.
Batid naman natin na ilan sa mga hinahangaan nating personalidad sa mundo ng showbiz ay hindi naman lahat galing sa isang marangyang pamilya, marami nga sa kanila ay nagsimula sa pinakamababa at nagsumikap lamang kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na makilala sa showbiz at magkaroon ng magandang karera na unti-unti ngang nagpabago sa estado ng kanilang pamumuhay.

Isa nga sa mga nabago ang estado ang buhay mula ng mapasok sa mundo ng showbiz ay ang tinaguriang si Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon. Mula nga ng siya makabuo ng kanyang pangalan sa industriya ng showbusiness, halos lahat nga ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya ay nabigyan na niya ng katuparan, at ang isa nga sa pinakabago sa mga ito ay ang ipinapatayo niyang bagong bahay ngayon na matatagpuan sa Pampangga.

Maliban nga sa pagiging isang batang host ngayon ni Ryzza sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga, ay pinasok na rin nga niya ang pagba-vlog, kung saan nito nga lamang nakaraan sa kanyang bagong vlog ay ipinasilip niya ang pinakabagong update sa bagong bahay na kanyang ipinapagawa.

Noon nga lamang ika-12 ng Marso taon ng kasalukuyan ay ibinahagi nga ni Ryzza sa kanyang vlog ang pinaka latest update niya para sa kanyang bagong bahay, at ang vlog na ito ay may titulong “Last House Update”, ito ay dahil ayon sa batang host, ay nasa 95% na ng kabuuan ang natatapos sa bagong bahay na ipinapagawa niya sa Pampangga.

Ibinahagi rin ni Ryzza sa vlog niyang ito, na dahil halos malapit na ngang matapos ang naturang bahay, ay may mga ilang mga kagamitan na din sila na nailipat rito mula nga sa bahay nila sa Quezon City.
Ilang linggo lamang naman matapos nito ay ibinahagi na nga ni Ryzza ang isa na namang panibagong vlog, kung saan dito naman niya ipinasilip ang kanyang silid sa bago nilang bahay, ito naman ay may titulo na “A Day in my Life In the New House.”

Sa naturang video nga na ito ay mapapanood na isinama ni Ryzza ang kanyang mga tagasubaybay sa loob ng kanilang bagong bahay at kung ano ang kanyang pinagkaabalahan sa araw na yon sa bago nilang bahay. Ipinasilip nga niya ang kanyang bagong silid, at ipinakita rin ang masayang paglalaro nila ng kanyang kapatid n card game.

Nang ipagtimpla naman ni Ryzza ng kape ang kanyang ina, ay nagkaroon din siya ng munting pasilip sa kanilang bagong kusina. Dagdag na saad pa niya, ito nga ang pinakpaborito niyang bahagi ng kanilang bahay, at nagbiro pa ngang hindi naman umano halata sa kanyang pangangatawan.
Sa kabuuan nga ng vlog ay makikita na ang bagong bahay ngayon nina Ryzza ay mas moderno at mas maganda ang disenyo na mas pasok nga sa mga nauuso ngayon sa loob ng kabahayan.



Aling Maliit Na Si Ryzza Mae Dizon Ipinasilip Ang Isang Araw Na Ginawa Sa Bagong Bahay
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments