Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Napakagandang Opisina Ni Ivana Alawi Bilang CEO Ng Kanyang Skin Care Line

Isa na ring CEO ng sarili niyang skin care line ang actress-vlogger na si Ivana Alawi. Maliban nga sa pagiging isang aktres at vlogger, ay mayroon ng bagong pinagkakaabalahan ngayon si Ivana, at ito ay ang pamamalakad at pamamahala ng kanyang negosyo na naka linya sa mga beauty products, at ito nga ay tinawag niyang ‘Ivana Skin.’

Ayon kay Ivana, noon pa mang bata pa siya ay talagang pangarap na niya at hilig ang mga beauty products. Isa rin sa mga pinangarap niya ay ang magkaroon nga ng sarili niyang negosyo ng mga beauty products, kaya naman ngayon na may kakayahan na siyang tuparin ang pangarap niyang ito ay hindi na nga nag-atubili pa si Ivana na tuparin ang pangarap niya na magkaroon ng sarili niyang skin care line.

Sa kabila ng maganda ngang karera ngayon ni Ivana bilang actress-vlogger ay pinasok na rin niya ang pagnenegosyo, kung saan sinimulan na nga niyang i-endorso kamakailan lamang ang mga produkto ng Ivana Skin.

“Noong bata ako sobrang hilig ko talaga sa skin care and nung bata ako, hiyang hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapag sleeveless nahihiya talaga ako, wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko”, ang naging saad ni Ivana.

Ibinahagi naman ni Ivana, na bago niya simulant ang kanyang skin care line business o ang Ivana Skin ay tatlong taon din ang itinagal ng proseso ng pagbuo ng tamang formula ng skin care product niya. Saad pa ng aktres, nang matapos ang skin care formula ay sila ng kanyang pamilya at ilan niyang mga kaibigan ang unang sumubok nito, kung saan ay naging maganda naman ang resulta ng kanilang mga balat.

Samantala, masaya namang ibinahagi ni Ivana kamakailan lamang ang kanyang bagong negosyo na Ivana Skin ay mayroon ng sariling headquarters, kung saan ito nga ang nagsilbi niyang opisina at ng kanyang mga empleyado.

Sa pinakabagong vlog ni Ivana sa kanyang YouTube channel, ay ipinasilip nga ng aktres at vlogger ang napakaganda at elaganteng office headquarters nila. Sa sobrang ganda ng pagkakaayos nito at sa disenyo nito ay nagmistula nga itong Paris, France. Makikita nga na tema ng opisina na ito ng Ivana Skin na pinagsamang turquoise, gold at white ang mga kulay dito.

Talaga namang kumpleto din ang pasilidad ng office headquarters na ito ng Ivana Skin, dahil mayroon itong pantry area, powder room, washing area, coffee corner at storage room. Hindi rin naman mawawala rito ang executive office ni Ivana.

At tulad ng naging pagsuporta kay Ivana ng kanyang pamilya sa kanyang showbiz at vlogging career, ay suportado nga rin ng mga ito ngayon ang pagpasok sa negosyo ng actress-vlogger.



Sulyapan Ang Napakagandang Opisina Ni Ivana Alawi Bilang CEO Ng Kanyang Skin Care Line
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments