Isa sa mga naging housemate’s noon ng Pinoy Big Brother Otso, ay ang 18-taong gulang na dalagang si Karina Bautista, na noon nga ay binansagan bilang “The Miss Independent of Isabela” ng naturang reality tv show ng ABS-CBN.
Dahil sa ipinakitang totoong personalidad at kakayahan ni Karina Bautista sa PBB-Otso, ay isa nga siya sa mga itinanghal na Batch Runner-up ng 1st Teen Batch ng nasabing reality TV show.
Matapos nga ang naging pagsali ni karina sa PBB, ay patuloy pa rin niyang pinatunayan sa publiko na talagang nasa personalidad niya ang mabansagan siyang “The Miss Independent of Isabela”, dahil ngayon ay makikita sa kanya ang kanyang pamumuhay ng independent, na nagpapahiwatig lamang na siya’y isang dalaga na marunong sa buhay.
Sa isang vlog nga ni Karina, ay ibinahagi nito sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta, na siya ngayon ay naninirahan sa kanyang bagong pundar na condo unit. Ayon sa dalaga, ay simple lamang ito, ngunit mas malawak kaysa sa mas nauna niyang condo noon.
Ipinasilip ni Karina sa kanyang YouTube channel ang bawat sulok ng kanyang bagong condo unit. At habang naglilibot nga ang dalaga, ay makikita sa kanya kung gaano ito kasaya sa kanyang naipundar na tahanan.
Ayon nga kay Karina, ang condo unit niyang ito ngayon ay mas malawak at mas mayroong espasyo kaysa sa tinitirhan niya noon, ‘nung nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng showbiz.
Maliban pa nga sa pagpapakita ng ilang mga bahagi ng kanyang condo unit, ibinahagi rin ng dalaga, ang isa pa sa kanyang pinagkaka-abalahan, kung saan ito ay ang kanyang small business, kung saan siya pala ay nag-oonline selling at ang kanyang mga itinitinda ay ang kanyang mga paintings na siya mismo ang may likha.
Ibinahagi nga ng dalaga, na ang “working place” niya sa bago niyang condo, ang isa sa mga paborito niyang bahagi ng kanyang munting tahanan, dahil sa dito nga niya ginagawa ang kanyang mga nag-gagandahang mga paintings.
Hindi nga lamang mahusay si Karina Bautista bilang isang aktres, dahil makikita sa kanyang mga obra na nilikha ang kanyang angking talent pagdating sa pagpipinta dahil talagang magaganda ang kanyang mga likhang obra.
Tunay ngang isang “independent girl” si Karina Bautista, dahil sa kaalaman niya na gamitin ang kanyang natatagong talento sa pagpinta upang pagkakitaan at makatulong rin pinansyal sa kanilang mga pangangailangan.
Silipin Ang Condo Unit Na Naipundar Ng Dating PBB Housemates Na Si Karina Bautista
Source: Viral Pinas News






0 Comments