Si Sharlene San Pedro ay isa sa mga kinagigiliwan nating child star noon, at napapanood nga natin sa defunct kids gag show ng ABS-CBN na ‘Goin Bulilit’. Tunay ngang napakabilis ng panahon, dahil ang batang noon ay napaka-cute at bibo, ngayon nga ay dalaga na at college graduate pa.
Makikita sa ibinahaging Instagram post ni Sharlene ang ilan sa kanyang graduation photo na nagpapatunay nga ng kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo. Nakasaad naman sa caption ng mga larawan niyang ito, na Psychology nga ang natapos niyang kurso.
“Sharlene S. San Pedro. Bachelor of Arts in Psychology,” saad ni Sharlene sa kanyang IG post.
Ayon naman sa ilang mga ulat na lumabas, ang young actress ay nagtapos nga ng kanyang kursong Psychology sa AMA University and Colleges.
Dahil naman sa tagumpay na ito ni Sharlene ay marami nga sa kanyang mga kaibigan sa mundo ng showbiz ang nagpaabot sa kanya ng pagbati at nagbahagi kung gaano ka-proud ang mga ito sa kanyang nakamit na achievement.
Kabilang nga sa nagpaabot ng kanilang congratulatory message para kay Sharlene ay ang kanyang matalik na kaibigan sa industriya na si Miles Ocampo, at ang aktres na si Barbie Imperial.
“PROUD OF YOU, MY BESHIE BESHIE!!!!!”, komento ng pagbati ni Miles.
“Congrats Shar!! So proud of you!!!”, ang naging komento naman ni Barbie Imperial.
Samantala, makikita rin nga sa isang IG post ni Sharlene ang pag-opted niya ng kanyang pagiging gamer-girl, ito nga ay matapos niyang ibahagi noong araw ng Miyerkules ang isa niyang larawan na may hawak na cellphone at ipinapakita nito ang kanyang character sa online games na “Call of Duty: Mobile.”
“Slide jump papuntang graduation,”, caption naman niya sa nasabing post.
Hindi nga lamang isang aktres ngayon si Sharlene, dahil maliban nga sa kanyang karera sa pag-arte, ay isa na rin siya ngayong video game streamer na sinusubaybayan ng maraming mga netizens online.
Sa kasalukuyan ay 23-taong gulang na si Sharlene San Pedro, at halos labing-walong taon nga ng kanyang buhay ay nasa mundo siya ng showbusiness sapagkat nagsimula nga siya sa kanyang career bilang isang child star noon sa murang edad niya. Matatandaan na taong 2004 sa child talent search ng ABS-CBN na ‘Star Circle Quest’ nagsimula ang karera ni Sharlene sa mundo ng showbiz.
Dating Goin’ Bulilit Star Na Si Sharlene San Pedro Masaya At Proud Na Nakapagtapos Ng Kolehiyo
Source: Viral Pinas News






0 Comments