Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Singer-Actress Na Si Maris Racal Ipinasilip Sa Publiko Ang Tahanan Na Kanyang Naipundar

Maliban sa pagkakaroon ng masayang pamilya at maayos na karera ay isa din sa pangarap ng marami sa atin ay ang magkaroon ng sarili at magandang tahanan. Sa panahon ngayon ay talaga namang iba’t iba na ang mga disenyo ng tahanan na ating maaring pagpilian at malaki din ang naitutulong ng social media upang magkaroon pa tayo ng ideya kung paano natin magagawang maganda ang ating tahanan malaki man nga ito o maliit.

Samantala, pagdating usaping tahanan, marami nga sa ating mga hinahangaang personalidad sa showbiz ang magmula ng mauso ang “house tour vlog’ sa YouTube ay ginagawa na rin nga nila ito. Ito nga ay upang maipasilip din nila sa kanilang mga tagahanga ang bunga ng kanilang pagsususmikap sa pag-aartista, kung saan isa na nga rito ay ang naipundar nilang tahanan.

Ang singer-actress na si Maris Racal ay hindi rin naman nagpahuli pagdating sa pagsasagawa ng house tour vlog, dahil kamakailan lamang sa kanyang YouTube channel ay kanya ngang ipinasilip sa pamamagitan ng vlog ang kanilang tahanan na ayon nga sa kanya ay katas ng pagtatrabaho niya sa industriya ng showbiz.

Pagpasok ng bahay nina Maris ay kaagad ngang mapapansin ang isang cabinet kung saan dito nga nakalagay ang mga mahahalagang bagay na kinakailangan sa panahon ngayon, tulad na lamang ng facemask, faceshield, sanitizer at alcohol. Ito nga ay makikita malapit lamang sa may pintuan, upang sa tuwing aalis nga n tahanan o di kaya naman ay darating ay hind inga makakaligataan ang magsuot ng facemask o di kaya naman ay mag sanitize ng kamay.

Mapapansin pa nga sa loob ng tahanan ng singer-actress na nagbigay ng kulay at buhay dito ay ang magagandang paintings at halaman na narito.Sa pag-akyat naman sa hagdan patungo sa ikalawang palapag na tahanan ng aktres ay agad ngang bubungad ang isang piano na mayroon dig ilang katabing mga paintings na ayon nga kay Maris ay kanyang mga koleksyon. Sa palapag din nga na ito makikita ang living area ng aktres, na talaga namang agaw-pansin dahil sa tema nito na ang kumbinasyon nga ay kulay berde at kahel.

Ipinakita rin ni Maris ang kanyang entertainment room kung saan nga madalas na mag-bonding ang kanyang mga kaibigan o bisita. Upang ma-maximize naman umano ng aktres ang space sa kanilang tahanan ay minabuti niyang gawin na L-shape ang kanilang dining set.

Makikita naman sa ikatlong palapag ng tahanan ang kwarto ni Maris at narito rin nga ang iba niyang mga koleksyon, tulad na lamang ng gitara na ayon sa kanya ang iba nga ay regalo pa sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Kita naman ang saya ni Maris habang proud ngang ipinapasilip ang kanyang tahanan. Labis din ang kanyang kasiyahan dahil sa talagang na-achieve niya ang look ng bahay na pangarap niya, at ayon nga sa singer-actress ito ay naging posible sa tulong nga ng designer si Carell Garcia.



Singer-Actress Na Si Maris Racal Ipinasilip Sa Publiko Ang Tahanan Na Kanyang Naipundar
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments