Tunay namang kasiyahan ng mga magulang ang makita ang bawat milestone ng kanilang mga anak, mgamula sa pinakamaliit na achievement ng mga ito hanggang sa pinakamalaki. Kaya naman ang celebrity host na si Bianca Gonzales, ay hindi maitago kung gaano siya ka-proud sa panganay niyang anak na si Lucia ngayon na ito ay nagtapos na sa Kindergarten.
Nito lamang nakaraan sa kanyang social media account ay isang magandang balita nga ang ibinahagi ni Bianca at ito nga ay ang naging pagtatapos sa Kindergarten ng panganay na anak nila ni JC Intal na si Lucia. Noon ngang ika-13 ng Mayo ay panibagong milestone ni Lucia ang nasaksihan ng mag-asawang Bianca at JC na nagpasaya sa kanila bilang magulang ng kanilang anak.
Sa post ni Bianca, ay inihayag niya kung gaano siya ka-proud sa achievement ng kanyang panganay na anak. Pinasalamatan din ng celebrity host ang lahat ng mga guro at kaklase ng anak niyang si Lucia na naging bahagi ng kinder life nito.
“We are so proud of how much you have grown and learned this year, Lucia. Thank you to her amazing teachers and awesome classmates for making back to [email protected]@ace class a joy for her. Next up, Grade1!!!! For now, summer break!, ang naging sulat ni Bianca sa kanyang caption.
Kalakip nga ng post na ito ni Bianca ay ang larawan nilang buong pamilya, kung saan ay makikita ang kanilang kasiyahan habang si Lucia naman ay hawak-hawak ang kanyng certificate na nagpapatunay ng kanyang pagtatapos sa kindergarten.
Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa pamilya mula sa mga netizens.
Matatadaan naman na kamailan lamang din ay nagbahagi din si Bianca sa kanyang social media account ng naging moving up ceremony ng bunso nilang anak na si Carmen Eliana, kung saan matapos nga nitong ibahagi ang mga larawan ay agad itong humakot ng 7,000 mahigit na like reaction.
Kilala ng publiko si Bianca Gonzales-Intal bilang isang Filipina television host at isa ring modelo. Maliban pa dito ilang mga kilalang personalidad din sa showbiz ang kanyang mga kapamilya, tulad na lamang ng mga pinsan niyang sina Carlo Gonzales, Arthur Solinap at ang napakagwapong si Dingdong Dantes. Siya rin ay kapatid ni JC Gonzales, na isa ring kilalang TV host.
Buwan ng Marso taong 2014 ng ma-engaged si Bianca kay JC Intal, at ang kanilang pag-iisang dibdib naman ay naganap noong ika-4 ng Disyembre taong 2014 sa El Nido, Palawan.
Bianca Gonzales Proud Mom Sa Kanyang Anak Na Si Lucia Sa Pagtatapos Nito Ng Kindergarten
Source: Viral Pinas News





0 Comments