Magmula nga ng sumiklab ang krisis sa ating bansa, kung saan ay lumaganap ang isang nakakahawang karamdaman ay marami na nga sa atin ang mas naging mapagpahalaga sa ating kalusugan. Sa panahon nga na ito ay mas marami ang napukaw ang atensyon at naging prayoridad na ang magkaroon ng magandang kalusugan at maayos na pangangatawan.
Maging ang mga sikat at hinahangaan nating personalidad sa showbiz ay mas naging conscious din sa kanilang kalusugan, at marami nga sa kanila ang madalas na ibinabahagi sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ang kanilang healthy routine para narin maging inspirasyon, katulad na nga lamang ng award-winning actress na si Bea Alonzo.
Sa pinakabagong vlog na ini-upload ni Bea sa kanyang YouTube channel ay makikita ang naging pagpapasilip niya sa kanyang GYM area sa loob mismo ng kanyang tahanan. Ayon nga sa aktres, ang bahagi na ito ng kanyang tahanan ay dating family area, ngunit ngayon nga ay newly renovated na at naging GYM na niya.
Kuwento ng aktres, dahil bihira naman magamit ang family room ay napagdesisyunan niya ngang gamitin ito para maging lugar kung saan siya ay makakapag-ehersisyo. Mapapansin nga na halos lahat ng mga gym equipments na nasa loob ng kanyang GYM ay mga bago pa tulad na nga lamang ng treadmill machines, weights, punching bag, exercise bike at iba pang gym essentials.
Samantala, maliban pa sa mga gym equipments na ito ay mayroon ding television sa loob ng gym ng akres, kung saan ayon kay Bea ay dito siya nanonood ng mga exercise tutorials kagaya ng Zumba. Makikita rin na mayroong bar table with stool sa bahaging ito, kung saan ayon sa aktres ito ay pinalagay niya para pagkatapos niya mag-workout ay dito siya maaring magpahinga o di kaya ay kumain.
Nakadagdag naman ng ganda ang pailaw ng aktres sa kanyang gym kung saan ito nga ay nagpapalit-palit ng kulay.
Tunay namang maaliwalas ang lugar na ito dahil mula nga rito kapag binuksan ang malalaking bintana ay matatanaw ang magandang tanawin ng mini garden sa tahanan ng aktres. Katabi naman ng gym area na ito ni Bea ay ang kanyang mini room kung saan siya nagyo-yoga.
Ayon nga kay Bea talagang inayos niya ang area na ito ng kanyang tahahan, ito ay upang maging karelaks-relaks nga ito. Ngayon nga na mayroon na siyang sariling gym sa loob ng kanyang tahanan, kahit anong oras nga ay maari na siya mag-ehersisyo.
Sulyapan Ang Napakagandang GYM Sa Loob Ng Bahay Ni Award Winning Actress Na Si Bea Alonzo
Source: Viral Pinas News






0 Comments