Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dating Goin’ Bulilit Child Star Na Si Mutya Orquia Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon

Si Mutya Orquia, ay isang dating child star ng ABS-CBN na kinagiliwan ng publiko dahil sa kanyang ka-kyutan at pagkakaroon ng mala-anghel na mukha. Siya ay unang nasilayan sa telebisyon ng pagbidahan niya ang fantaseryeng “Mutya” na ang pamagat ay mismong isinunod sa pangalan niya, kung saan ay gumanap siya dito bilang isang munting serena.

Sa murang edad pa lamang ni Mutya noon, ay agad na siyang nagwagi ng sunod sunod na mga parangal, dahil sa husay at galing na ipinakita niya sa paganap bilang, ang serenang si “Mutya”.
Dahil dito, ay nagsunod-sunod ang mga inalok na mga proyekto sa child star, katulad na lamang ng mga teleserye. Isa na nga sa mga teleserye na kanyang kinabilangan noon ay ang “Be Careful with My Heart”, kung saan ay pinagbidahan nina Richard Yap at Jodie Sta. Maria.

Muling nakakuha ng titulo si Mutya, tulad na lang ng “Best Child Performace” sa ginanap na 4th FMTM for TV Entertainment noong taong 2012. At noon namang taong 2014, ay nakuha niya rin ang titulong “Most Popular Female Child Performer.”

Naging parte rin si Mutya noon ng defunct kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.
Dahil sa pagiging isang mahusay na child star, ay ilang beses rin nagkaroon ng mga karakter si Mutya sa mga naging episodes ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

Maraming taon na nga ang lumipas, mula ng magsimula si Mutya sa industriya ng showbiz, bilang isang musmos na bata noon, kaya naman talagang nasilayan natin ang kanyang naging pagdadalaga, kung saan ngayon ay isa na siyang teenager na mas lalo pang gumanda.

Sa kabila ng pagiging isang teenager na ngayon ni Mutya Orquia, ay taglay pa rin niya ang kanyang mala-anghel na mukha.Makikita naman sa Instagram ng dating child star, ang hilig niya sa pages-selfie at mga girly OOTD.

At tulad nga ng ibang mg dalagang teenager ngayon, ay isa rin si Mutya sa talagang nahuhumaling at umiidolo sa KPOP, tulad na lamang ng Blackpink at BTS, na makikita ang mga larawan sa kanyang Instagram highlights. Mayroon na ring YouTube channel si Mutya, kung saan ay dito niya madalas i-update ang kanyang mga tagahanga at taga-suporta sa mga pangyayari sa kanyang buhay at karera ngayon.



Dating Goin’ Bulilit Child Star Na Si Mutya Orquia Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments