Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Masdan Ang Naging Pagbabago Sa Buhay Ni Badjao Girl Mula Ng Mag-Viral Online Ang Kanyang Larawan

Natatandaan niyo pa ba ang nag-viral na larawan noon ng isang Badjao girl? Ang “Badjao Girl”, nga na ito ay si Rita Gaviola, isang dalagang badjao, na lumaki sa hirap ng buhay, at nagawang mamalimos upang makatulong sa pamliya.

Naging viral nga noon ang larawan ni Rita Gaviola, matapos siyang makuhaan ng larawan ng isang photographer sa kasagsagan ng Hiyas Festival sa Quezon, kung saan siya’y namamalimos. At dahil nakita sa larawan niyang ito ang kanyang angking ganda, sa kabila ng kanyang pagiging isang Bajao, ay talaga namang naging usap-usapan siya ng maraming mga netizens sa social media.
Dahil nga sa isang “candid shot” na larawan, ay hindi inakala ni Rita na doon magsisimulang magbabago ang takbo ng buhay niya at ng kanyang pamilya.

Noon ay masasabi nga ni Rita na napakahirap ng kanilang buhay, na kung iisipin ay talagang hikahos sila, dahil sa halos isang beses sa loob ng isang araw lamang sila nakakaing magkakapatid.
Ngunit ngayon, ay unti-unti na itong nagbago, kung saan ay naging maayos na ang takbo ng kanilang buhay at nakakain na rin ng maayos ang kanyang pamilya. Ibinahagi nga ni Rita na ngayon ay hindi na niya kailangan pang mamalimos upang may maipakain sa kanyang mga kapatid.

Mayroon na ring maayos na tahanan ngayon ang pamilya ni Rita, at maliban pa nga rito, ay nagawa na rin niyang makabalik sa eskwelahan upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ayon nga pa nga kay Rita, matagal na niyang pangarap ang makabalik sa eskwela, dahil sa alam niyang ito ang magiging daan niya upang mas mabigyan pa ng mas magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Isang iskolar ngayon si Rita sa paaralan kung saan siya nag-aaral.

Marami naman ang nag-aalok sa dalaga na maging isang modelo, ngunit sa ngayon ay tinatanggihan nito ni Rita, dahil mas nais umano nito na bigyan ng atensiyon ang kanyang pag-aaral.
Pangarap ni Rita ang maging isang guro pagdating ng araw, ito ay upang matulungan rin niya ang kapwa niya Badjao na magkaroon ng edukasyon at kaalaman, kaya naman talagang nagsusumikap siya na matupad ito, lalo na ngayon na siya’y nakabalik na sa pag-aaral.

Malaki ang pasasalamat ni Rita sa mga taong naging daan, upang gumanda nag buhay niya at ng kanyang pamilya, at mga taong tumulong sa kanya, upang makabalik siyang muli sa kanyang pag-aaral.
Patunay nga lamang ito, na marami pa rin ang mga taong matulungin sa kanilang kapwa, katulad na lamang nga ng mga butihing puso na tumulong na mapaganda at maging maayos pa ang buhay ng dalagang si Rita Aviola, at ng pamilya nito.

Hiling naman ng mga tagahanga ni Rita, na matupad nawa ng dalaga ang pangarap nitong maging isang guro balang araw, upang makatulong rin siya sa kanyang mga kapwa Badjao.



Masdan Ang Naging Pagbabago Sa Buhay Ni Badjao Girl Mula Ng Mag-Viral Online Ang Kanyang Larawan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments