Isa sa mga nagiging inspirasyon ng marami sa atin para makamit ang mga bagay na ating pinapangarap o inaasam sa buhay ay ang ating mismong karanasan sa buhay, kung saan anoman ngang hirap o pagsubok ang ating nararanasan sa daan ng ating buhay ito nga ay hindi natin sinusukuan bagkus ay mas nagiging buo pa ang ating loob at nagpapakatatag pa tayo dahil sa determinasyon natin na matupad ang ating pangarap.
Tila ganito nga ang puno ng inspirasyon na kuwento ng binata na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media, at ito nga ay kinilalang si Mark Allen Armenion, na tubong Cebu na naninirahan kasama ang kanyang pamilya sa Warwick Barracks, Carbon Market sa Cebu City.
Ayon sa ulat, si Mark Allen ay bunso sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang tagaluto ng litson, samantala ang ina naman niya ay nagtitinda sa palengke. Lumaki si Allen sa payak na pamumuhay, ngunit sa kabila nito ay nakita niya kung paano nagsumikap ang kanyang mga magulang upang silang magkakapatid ay mabigyan ng mga ito ng maayos na buhay.
Dahil sa hirap ng buhay, naranasan ni Allen ang maging kargador noon para makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya, at dahil din dito ay may mga pagkakataon nga na siya ay kinakailangan na lumiban sa eskwela. Dahil nga sa pagiging absent niya madalas, ay ilang beses nga bumagsak sa elementarya at high school ang binata.
Sa kabila nga ng ilang beses na pagbagsak ni Allen, kalaunan ay nakita niya ang angkin niyang potensyal, kung saan ito nga ay ang husay niya Mathematics, kaya naman mas pinagbutihan pa niya at pinagsumikapan na maging bihasa sa nasabing asignatura.
Upang masuportahan nga ang kanyang pag-aaral, ay nag-working student si Allen at dahil sa kanyang husay at galing sa Mathematics ay nagawa nga niyang manalo sa National Quiz Champion noong taong 2018 sa Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Quiz Bown 2018. Maliban pa dito ay nagwagi din nga ang binata sa Cebu School Athletic Foundation Inc (CESAFI) Math Quiz Bowl noong taong 2018 at 2019.
Samantala, pag-amin ng binata ang kanyang target talaga sa board exam ay ang maging Top 1 kaya naman ng lumabas ang resulta at Top 2 siya ay nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Sa kabila nito ay masaya pa rin naman ang binata dahil sa naipamalas niyang galing, at ito rin ang naging daan para makatanggap siya Php 120,000 na insentibo mula sa University of Cebu kung saan siya ay nag-graduate ng kolehiyo.
Tunay ngang kahanga-hanga ang galing ni Mark Allen, at isa na naman nga siya sa nagpatunay na anomang hirap ang ating nararansan sa ating buhay basta’t magsumikap lamang tayo at maging determinado ay hindi imposible na makamit natin kung ano ang ating inaasam.
Kilalanin Ang Top 2 Sa 2022 Mechanical Engineering Board Exam na Si Mark Na Dating Kargador
Source: Viral Pinas News






0 Comments