Sa bawat personalidad sa showbiz na ating hinahangaan ay hindi lamang ang kanilang galing at husay sa pag-arte ang ating kinabibiliban at inaabangan, kundi maging ang kanila ding nakakamanghang mga OOTD.
Ang award-winning actress na si Bea Alonzo ay isa sa mga batikang aktres sa mundo ng showbiz na inaabangan hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa kanyang mga vlogs kung saan ay kanyang ibinabahagi ang ilan sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay lalo na nga ang mga travel niya kasama ang kanyang pamilya o di kaya naman ay ang boyfriend niyang si Dominic Roque na isa ring kilalang aktor.
Samantala, sa tuwing nagbibigay update nga ang aktres sa kanyang mga social media account ay marami din ang nag-aabang ng kanyang mga OOTD.Kamakailan nga lamang ay muling pinag-usapan ang OOTD ng aktres ng siya nga ay mag-Madrid Trip noong nakaraang buwan. Makikita sa mga ibinahaging larawan ng aktres ang kanyang kasiyahan habang namamsyal nga sa iba’t ibang mga magagandang lugar sa nasabing bansa.
Maliban nga sa mga masasarap na pagkain na ibinibida ni Bea sa kanyang social media post, ay marami ang nakapansin ng kagandahan ng kanyang white and blue OOTD, kung saan ayon nga sa mga fashion expert ang kabuuang suot ng award-winning actress mula nga ulo hanggang paa sa nasabing larawan niya na ito ay umaabot ang halaga 1.5 milyon pesos.
Ayon sa ulat ang suot ni Bea na blue blazer na Rotate Birger Christensen ay umaabot ang halaga sa Php18,000 at ang inner white shirt nga niya na may ternong classic white jeans na Louis Vuitton ang brand ay nagkakahalaga naman umano ng Php53,000.
Samantala ang boots naman na suot ng aktres ay nasa Php54,000 naman ang halaga, kung saan ito nga ay may brand na Balenciaga isa sa mga malalaking kumpanya na gumagawa ng mga dekalidad at mamahaling sapatos. Ang isa pa nga sa mga nagpakumpleto ng OOTD ni Bea ay ang kanyang pure leather white Louis Vuitton bag na Capucines BB Taurillon Leather na ang halaga naman ay nasa Php340,000.
Talaga namang napaka-elegante tingnan ng OOTD na ito ni Bea, at hindi naman ito nakapagtataka dahil sa nakakalulang presyo ng mga ito. Sa kabila naman ng hindi biro ang mga presyo ng gamit ng aktres, ay makikita pa rin naman natin sa kanya ang pagiging humble niya, kung saan marami nga ang nagsasabi na sa kabila ng kasikatan at magandang katayuan sa buhay na tinatamasa niya ngayon ay nanatili pa rin ang kanyang magandang pag-uugali.
Mapa Wow Sa OOTD Ng Aktres Na Si Bea Alonzo Na Ang Halaga Ay Umabot Sa 1.5 Milyon
Source: Viral Pinas News





0 Comments