Si Maria Nicole Jeremiah Dulalia o mas kilala ng publiko bilang si Nicole Dulalia, ay isa sa mga child star noon ng GMA-7 network. Siya ay unang nasilayan sa telebisyon bilangi isang child star ng gumanap siya bilang “Sha-sha, superhero series na “Super Twins.”
Ipinanganak si Nicole noong ika-20 ng Oktubre taong 1997, at unang nasilayan sa telebisyon ng mga manonood ang napaka-cute niyang mukha noong siya’y maging contestant ng “Little Miss Philippines” segment ng noontime show na Eat Bulaga, kung saan siya’y itinanghal bilang 2nd-runner up ng nasabing kiddie pageant.
Ayon sa ilang mga ulat, bata pa lamang umano si Nicole, ay pangarap na niya ag maging isang artista. Kung kaya naman, ng magkaroon ng Starstruck Kids noong taong 2014, ay hindi ito pinalampas ni Nicole, at sinubukang sumali rito, ngunit bigo naman siya na makapasok sa finals nito.
Sa kabila ng nangayaring pagkabigo, ay hindi naman nagsara ang oportunidad kay Nicole Dulalia na makapasok sa industriya ng showbiz. Dahil taong 2005, ay nabigyan siya ng pagkakataon na mapabilang sa GMA-7 fantaserye na “Encantadia”, kung saan ay ginampanan niya ang karakter ng batang si Danaya.
Muli siyang nabigyan ng proyekto matapos niyang ipakita ang kanyang husay sa pag-arte. Napabilang siya sa fantaserye na “Super Twins” taong 2007, kung saan ay gumanap siya bilang si ‘Sha-sha’. Dahil sa fantaseryeng ito, ay mas nakilala ng publiko si Nocole Dulalia.
Ilan pa nga sa mga proyektong kinabilangan ni Nicole ay ang pelikulang “Destined To Be Yours”, na pinagdibahan nina Alden Richard at Maine Mendoza. At ang huling proyekto naman na kanyang ginawa sa telebisyon, ay ang “Magpakailanman” taong 2018, at matapos nito ay hindi na nga siya lumabas pa sa anumang proyekto o pelikula.
Ilang taon na nga ang lumipas, matapos hindi na maging aktibo bilang aktres si Nicole Dulalia, kaya naman tanong ng mga naging tagahanga niya, ano na nga kaya ang pinagkaka-abalahan nito ngayon.
Bagama’t hindi aktibo sa kanyang showbiz career, ay makikita naman na aktibo si Nicole sa kanyang social media account. At dito nga makikita na ang pinagkaka-abalahan nito ngayon, ay ang kanyang pagba-vlog.
Makikita rin sa social media account ni Nicole, na maliban sa vlodding, ay kinahiligan rin niya ang paglalaro ng popular na online game na “Mobile Legends”.Samantala, ilang mga larawan naman ng dalaga ang nagpapakita na ngayon ay mas lalo pa itong gumanda at naging seksi.
Kaya naman, makikita rin na ito ay mayroon ng boyfriend, na nakilala bilang si Kayne No Quiera.Makikita naman sa iba pang mga larawan ni Nicole sa kanyang social media account, na madalas niyang kasama ang kanyang boyfriend, at marami silang mga magagandang lugar ng naputahan.
Gumanap Na “Sha-sha” Sa Super Twins Na Si Nicole Dulalia Isa Ng Ganap Na Dalaga Ngayon
Source: Viral Pinas News






0 Comments