Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tingnan Ang Masayang Buhay May Pamilya Ng Sikat Na Taekwondo Practitioner Na Si Japoy Lizardo

Labing isang taong gulang pa lamang ng magsimula ang pagkahilig at paglalaro ni Japoy Lizardo sa Taekwondo. Dahil sa kanyang pagsasanay at mas lalo pag pagpapaka-husay sa paglalaro ng Taekwando, dalawang taon lamang ang lumipas ay napabilang na agad siya sa Philippine Black Belt contingent.
Dahil sa kanyang ipinakitang husay bilang isang taekwondo player ay agad siyang nakakuha ng maraming mga awards, ay ng tumuntong siya sa labing walong taong gulang ay nakapasok rin siya agad sa senior national team.

Naging manlalaro rin si Japoy Lizardo sa Asian Games at maging sa Southeast Asian Games, kung saan ilang mga parangal rin ang kanyang nakuha.
Sa ngayon nga ay mayroon ng pamilya si Japoy Lizardo, at maliban sa pagiging isang kilalang taekwondo practitioner ay kilala rin siya bilang isang aktor at commercial model.

Ang naging asawa ni Japoy, ay isa ring martial artists at siya ring coach ng UP Taekwondo Poomsae Varsity Team, na kinilalang si Janice Lagman – Lizardo. Pareho ngang mahilig sa martial arts ang mag-asawa, kaya naman ang kanilang mga anak, kahit maliliit pa lamang ay tinuturuan na nila at unti-unti ng sinasanay sa taekwondo.

Makikita nga sa Instagram ng anak ni Japoy na si Jace Alonzo Lizardo, ang naging pagbabahagi nito ng larawan nilang buong pamilya, kung saan ay mapapansin na silang lahat ay nakasuot ng uniporme na pang taekwondo player. Maliban pa nga sa uniporme, ay mayroon pang suot na mga fierce ang mga ito, na tila talagang sasabak sa laban.

“This is how do your face fierce face #jacelizardo #babyjace #babyjapoynice #jacelizardo3yrsold”, ang kalakip ngang caption ng larawan ng pamilya ni Japoy Lizardo na ibinagi sa Instagram account ng kanyang anak na si Jace Alonzo.

Marami namang mga netizens ang nagbigay komento sa masayang larawan na ito ng pamilya ni Japoy, lalo’t nakikita ng marami kung paano sila magtulungang mag-asawa upang mapalaki at ma-train ng maaga ang kanilang mga anak na masanay sa larangan na kinahiligan nila.
“Awww hope you do it every year family photo like this.”
“Ang cute ni Jace, hahaha game face on talaga.”
“What a lovely family.”



Tingnan Ang Masayang Buhay May Pamilya Ng Sikat Na Taekwondo Practitioner Na Si Japoy Lizardo
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments