Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Sikat Na Aktres Noong 90’s Na Si Jennifer Sevilla

Natatandaan niyo pa ba ang dating aktres na si Jennifer Sevilla? Siya ay isa sa mga itinuturing na pinakamakinang na bituin sa industriya ng showbiz, noong taong 90’s. Ang kanyang karera bilang isang mahusay na aktres ay nagsimula sa kanyang pagiging isang mahusay at hinahangaang child star noon, kung saan ay napabilang siya bilang isang “mainstay” ng show na “That’s Entertainment.”

Sa kanyang naging pagdadalaga sa mundo ng showbiz, ay itinuring rin si Jennifer Sevilla, bilang isa sa mga aktres, na may pinakamagagandang mukha. Kung saan ay dito rin nag-umpisa na mas lalong mamayagpag ang kanyang karera, at magtuloy-tuloy ang pagpasok ng maraming mga proyekto sa kanya.

Samantala, sa kabila ng pamamayagpag ng karera ni Jennifer Sevilla, ay bigla na lamang nitong iniwan ang kanyang “career” bilang isang sikat na aktres. Dahil dito ay maraming mga tagahanga ni Jennifer Sevilla, ang nais malaman, kung ano nga ba ang naging dahilan ng aktres, para iwanan ang kanyang career.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN channel 2, na muling makapanayam ang dating aktres, ay dito na ibinahagi ni Jennifer Sevilla, kung bakit siya nawala sa industriya ng showbiz.
Ayon nga sa dating aktres, iniwan niya ang kanyang career bilang isang artista, ng magdesisyon siya na magpakasal na, sa kanya ngang asawa ngayon na si Seymour Go. Ang dalawa nga ay ikinasal noong buwan ng Nobyembre, taong 2007.

Hindi nga nagtagal, matapos niyang ikasal, ay nagkaroon na sila ng anak, at ito nga ay ang panganay nilang si Simon Rafa, kung saan ay ito na ang isa sa pinakadahilan ni Jennifer na hindi na balikan ang kanyang career, at magpokus na lamang sa kanyang pamilya.
“I really decided to put [showbiz on hold] muna and be a full-time mother and at the same time to take care of our business”, naging saad nga ng dating aktres.

Ibinahagi rin ng aktres, na mas ine-enjoy niya muna ang pagiging isang mommy sa kanyang anak, habang ito ay bata pa, dahil alam niya na hindi habang buhay, ay mananatili ito sa pagkabata.
“I’m cherishing and savoring as much I can every moment with hi, because it’s very fast lang na lalaki na siya”, dagdag pa ni Jennifer.

Inamin rin ng aktres, na paminsan-minsan ay nami-miss niya rin ang pag-arte sa telebisyon. Ikinuwento rin nito, na ilang beses na ring may nag-offer sa kanya na mga proyekto, mula sa iba’t ibang network sa telebisyon, ngunit ayon sa kanya, ay hindi pa ito ang pokus niya ngayon. Saka na lamang niya umano tatanggapin ang mga bagong oportunidad sa showbiz, kapag nakaluwag-luwag na siya sa mga gawain niya bilang isang mommy.

Maliban pa nga sa pagiging isang full-time mom ngayon ng dating aktres, ay abala rin si Jennifer Sevilla, sa pamamalakad ng kanilang negosyo, na hairpiece business kung saan marami sa mga kliyente nila, ay mga kaibigan at kakilala niya sa industriya ng showbiz.



Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Sikat Na Aktres Noong 90’s Na Si Jennifer Sevilla
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments