Isa sa mga naging sikat na singer-actress noong taong 90’s si Donna Cruz. Siya’y hinahangaan at iniidolo ng marami, hindi lang dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres at mang-aawit, kundi dahil na rin sa pagkakaroon niya ng napakagandang mukha, na talaga namang nakakamangha.
Bilang isang aktres sa industriya ng showbiz, ay ilang mga pelikula rin na ipinalabas noong 90’s ang kinabilangan ni Donna Cruz. Kabilang na nga sa mga ito ang “Mga Kadenang Bulaklak, Isang Tanong Isang Sagot, at Doremi.”
Samantala, bilang isang mang-aawit naman, ay marami ring mga kanta si Donna Cruz, na talaga namang sumikat noon, kung saan ang ilan pa nga ay maririnig pa natin hanggang ngayon. Ilan sa kanyang mga awitin na talagang sumikat at naging paborito ng kanyang mga tagahanga noon ay ang “Rain” Kapag Tumibok ang Puso”, at ang “Wish.”
Iniwan ni Donna Cruz ang kanyang karera sa showbiz, ng ito ay magpakasal at bumuo ng pamilya kasama ang asawa niyang si Yong Larrazabal, kung saan hanggang ngayon ay “happily married” pa rin ang dalawa.Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong mga supling, ito ay dalawang lalaki, at ang kanilang nag-iisang prinsesa at unica hija.
Tulad ni Donna Cruz, ay hindi maikakaila na namana ng kanyang nag-iisang anak na babae na si Ysabella Larrazabal o mas kilala sa palayaw nitong “Belle”, ang kanyang angking kagandahan.
Maliban sa taglay na angking ganda, ay lumaki rin si Belle na isang responsible at napakabuting anak. Kaya naman ang kanyang pag-aaral ay natapos nito “on-time”, kung saan ay natapos niya sa Cebu Doctors University ang kanyang degree sa kolehiyo.
Maliban naman sa pagiging isang mabuti at responsableng anak, ay malapit rin umano si Ysabella sa kanyang mga kapatid na sina Cian at Gio.Makikita naman sa mga larawan ni Belle, na ito ay malapit sa kanyang pamilya. At ayon nga sa ibang mga ulat tungkol sa dalaga, ay mas nais umano nito na makipag-bonding sa kanyang pamilya, kapag siya ay walang masyadong pinagkaka-abalahan.
Matatandaan na noong nagdiwang ng kanyang ika-18th birthday si Belle, ay isang engrandeng pagdiriwang ang naganap. Kung saan ay ang naging tema ng kanyang birthday party ay binase sa kanyang pangalan na “Belle” na kinuha naman mula sa kwentong “Beauty and the Beast.”
Tunay nga naman na bagay na bagay kay Ysabella, ang kanyang palayaw na “Belle”, dahil tulad ng magandang dalaga sa kwento ng Beauty and the Beast, ay napakaganda rin ni Ysabella, lalo na’t mayroon itong kutis na mapuputi at mala-anghel na mukha.
Hindi rin magiging posible sa naturang dalaga na mapasok ang industriya na minsang kinabilangan ng kanyang ina, lalo na’t namana nito ang kanyang taglay na ganda sa kanyang ina.
Sa ngayon ay 21-taong gulang na nga ang Unica Hija ni Donna Cruz, ito ay matapos nitong magdiwang ng kanyang kaarawan noong ika-21 ng Oktubre ngayong taon.
Kilalanin Ang Napakaganda At Matalinong Unica Hija Ni Donna Cruz
Source: Viral Pinas News





0 Comments