Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Silipin Ang Masayang Buhay Ngayon Ng DJ Na Tinaguriang May Pinakamagandang Mukha Sa Radyo

Isa sa mga pangalan na nakilala at naging tanyag sa radyo, si Andy Manzano o nakilala ng kanyang mga tagapakinig bilang si DJ Andi9 ng Magic 89.9. Maliban nga sa kanyang pagkakaroon ng magandang boses bilang DJ sa radyo, ay isa rin siya sa mga DJ na hinahangaan dahil sa kanyang magandang mukha.
Samantala, matapos niyang iwan ang pagiging DJ ng Magic 89.9, ay nasaan na nga ba si DJ Andi ngayon? At ano na ang kanyang pinagkaka-abalahan?

Sa ngayon nga ay ang pagiging YouTube vlogger at Instagram influencer ang pinagkaka-abalahan ni Andi Manzano ngayon ngunit paminsan-minsan ay nag-DJ at host pa rin ito. At maliban pa dito, ay nagkaroon na rin pala siya ng asawa at mga anak, kung kaya’t abala din ito sa kanyang binuong pamilya.

Makikita sa YouTube channel ni Andi, ang kanyang proud na pagbabahagi ng kanyang buhay may pamilya. Ang kanyang pagiging housewife, at ang pagiging isa niyang supportive mommy sa kanyang mga anak.

Si Andi Manzano ay ikinasal noong ika-12 ng Nobyembre taong 2013 kay GP Reyes, isang club owner, restaurateur at creative director ng Centurty Properties.
Sa naging pagbabahagi ni Andi, ay sinabi nito na ang kanyang asawa, ay nakilala niya dahil na rin sa kanyang pinsang actor-host na si Luis Manzano.

Ito ay dahil ang dalawa ay matalik na magkaibigan at silang mag-asawa ay nagsimula muna rin sa pagkakaibigan bago pa man mauwi sa ligawan hanggang sa matuloy na nga sa kasalan.
Matatandaan naman na taong 2015, ng isilang ni Andi si Pilar Olivia, ang panganay na anak nila ni GP. At dahil sa napaka-cute nga nitong baby girl, ay talaga namang agad itong pinag-usapan noon sa social media.

Mas naging usap-usapan pa nga noon ang panganay na anak na ito ni Andi, na si Pilar Olivia, ng ito ay magdiwang ng kanyang unang kaarawan sa isa sa pinakasikat na club sa Manila, ang “The Palace Pool Club” na pag mamay-ari pala ng kanyang ama.

Dahil nga sa taglay na kakyutan ng anak na ito ni Andi Manzano, ay napili rin ito para maging endorser ng mga mamahalin at sikat na brand ng mga damit. Maging sa commercial noo ng sikat at mamahaling gatas na “Promil” ay matatandaan na lumabas rin si Olivia Pilar.

Ngayon nga ay may kapatid na si Olivia Pilar, at ito ay ang pangalawang baby girl nina Olivia at GP na pinangalanan nilang si Corazon Amelia na isinilang noong buwan ng Enero taong 2019.
Samantala, patuloy pa rin naman sa pagiging isang DJ at host si Andi Manzano, kahit pa ng aba abala ito sa kanyang pamilya. Makikita rin sa YouTube channel nito, ang kanyang mga pagbabahagi ng everyday life niya kasama ang kanyang pamilya.



Silipin Ang Masayang Buhay Ngayon Ng DJ Na Tinaguriang May Pinakamagandang Mukha Sa Radyo
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments