Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Cheska At Doug Kramer May Nakakaantig Na Mensahe Sa Kanilang Panganay Na Anak Na Si Kendra

Ganap ng ‘teens’ ngayon ang panganay na anak ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer na si Kendra, matapos ngang magdiwang ng ika-13 taong gulang na kaarawan ni Kendra nito lamang ika-25 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Sa mundo ng showbiz, isa sa mga hinahangaang pamilya ay ang pamilya ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer, o mas kilala nga bilanga ng ‘Team Kramer’. Ang kanila ngang pamilya ay binubuo ng limang miyembro, ang ama na si Doug, ang ina na si Cheska, ang kanilang tatlong anak na si Kendra [panganay], Scarlett [pangalawa] at si Gavin [bunso].

Bata pa lamang ang mga anak nina Cheska at Doug ay talagang maadalas na silang masilayan ng publiko, dahil sa dami ng mga advertisements nila. Kaya naman tila nga nasubaybayan din ng madla ang paglaki ng tatlong mga anak ng mag-asawa.

Samantala, tunay namang napakabilis ng paglipas ng panahon, sapagkat, ang panganay na anak ng mag-asawang Cheska at Doug na si Kendra, na noon ay kinagigiliwan ng marami sa atin dahil sa taglay nitong kakyutan, ay ngayon nga’y isa ng napakagandang ‘teenager’.

Nito nga lamang nakaraang ika-25 ng Hunyo, araw ng Sabado, ay ipinagdiwang ng panganay na anak ng celebrity couple ang ika-13 taong gulang na kaarawan nito. Kaya naman sa espesyal na araw ng kanilang anak na si Kendra, ay isang ‘heartfelt message’ ang makikitang ibinahagi nina Doug at Cheska para sa anak.

“Our dearest Kendra, you’re officially a teenager now. Seemed like just yesterday you were that chubby baby whose personality was larger than life, very loud, unbashful, full of spunk and so playful. The apple of everyone’s eye! You loved to sing and dance and it’s nice to see that those things haven’t changed!” , saad ng mag-asawa.

Sa mensahe din na ito ng mag-asawa para sa kanilang panganay na anak, ay hindi rin nila naiwasan na balikan ang mga panahon na lumalaki ang kanilang panganay.
“We still remember you running and crying after Papa when leaving for training. Then coming home and seeing you dressed up like mommy, with cheek tint, lipstick and high heels you didn’t want to stop using! Your school even made a special rule about banning 3 year-olds and wearing high heels!”

“Though you’re more reserved these days, it’s nice to see that your witty punchlines and charisma remains. You make everyone laugh with your cleverness and easy going personality. Your charm is like no other baby.”

Pagbabahagi pa nga nina Cheska at Doug, na habang kanila ngang patuloy na ginagabayan ng mga payo at pangarap ang kanilang panganay na anak dahil sa dalaga na ito, ay ‘confident’ naman umano sila na si Kendra ay mayroon ng taglay na ‘strong values’. Dagdag na saad pa ng mag-asawa, proud sila sa kung paano nila nakikita na isang mabuti, responsible, matalino, maka-Diyos at mapagmahal ang kanilang panganay na anak.

“And now here we are 13! Mommy and Daddy have so much advice and guidance to give you. But even at this young age, you have already formed your convictions, your non negotiables, your priorities, and your love for Christ and family.

“You’re such a blessing to Scarlett and Gavin. God made you into the best big sister for them. Annoying them, ordering them around, but showing so much love to them it overpowers the first 2.
“You’re such a blessing to Mommy and I. No words will ever be enough to describe our love for you. We’re proud of you! PROUD! We’re so excited for what the future holds for you. Mommy and I are your biggest fans.”

Sa Huli ay ibinahagi din ng celebrity couple nan ais nilang i-enjoy ng panganay nilang anak ang teenage years nito. “Up next, road from 13 to 18 for you. 😭😭😭 Take your time sweetheart. Enjoy your teenage years! You don’t need to be perfect all the time, give room to grow, learn, loosen up and relax. So from Papa and Mama, We love you unconditionally!”



Cheska At Doug Kramer May Nakakaantig Na Mensahe Sa Kanilang Panganay Na Anak Na Si Kendra
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments