Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Angel Locsin At Neil Arce Ipinasilip Ang Kauna-Unahan Nilang International Trip Bilang Mag-asawa

Ang Kapamilya actress na si Angel Locsin ay isa sa mga hinahangaan at iniidolong personalidad sa mundo ng showbiz. Marami ang talagang namang sinusubaybayan ang buhay ng aktres, kaya naman talagang ang kanyang mga tagahanga at tagasubaybay ay labis na nasiyahan ng matagpuan na nga nito ang ‘happiness’ ng kanyang buhay o ang kanyang ‘the one’ sa katauhan nga ng mister na niya ngayon na si Neil Arce.

Matatandaan na taong 2018 ng ma-engaged si Angel Locsin kay Neil Arce, at ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap naman noong buwan ng Agosto nu’ng nakaraang taon kung saan ito nga ay isang intimate civil wedding na dinaluhan lamang ng ilang mga malalapit na tao sa kanilang dalawa.

Samantala, magmula nga ng ikinasal ang mag-asawa ay hindi pa nila nagagawang mag-travel international, ito ay dahil nga sa noong panahon na sila ay nagpakasal ay laganap pa ang krisis sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo.

Kaya naman ngayon na ang lahat nga ay unti-unti ng bumabalik sa normal, sa kabila ng nariyan pa rin ang krisis, ay masaya ngang ibinahagi nito lamang nakaraan ng Kapamilya actress ang kauna-unahan nilang international travel ni Neil bilang mag-asawa.

Noon nga lamang nakaraang linggo ay lumipad palabas ng bansa ang mag-asawang Angel at Neil. At sa Instagram account nga ng Kapamilya actress ay kanyang ibinahagi ang ilang mga larawan nila ng mister, at isa na nga sa mga ito ay ang larawan kung saan silang dalawa ay magkatabi at parehong naka-mask.

Ang larawan nga na ito ng mag-asawa ay kuha noong ika-20 ng Hunyo sa Dubai International Airport.
Noon namang ika-27 ng Hunyo ay muli ngang nagbahagi ng larawan ang Kapamilya actress at philanthropist ng larawan sa kanyang Instagram account, kung saan ay makikita naman siyang nag-e-enjoy sa street ng Valencia, Spain. Kalakip ng larawan na ito ni Angel, ay ang caption niyang “Pass the paella, por favo.”

Samantala, sa pinakabagong update naman ng 37-taong gulang na aktres na si Angel sa kanyang Instagram stories, ay masisilayan naman ang larawan nila ng mister niyang si Neil, habang sila nga magkasamang nakahiga sa kama at nakaharap sa salamin. Ang larawan nga na ito ng mag-asawa ay kuha umano sa hotel room na kanilang tinutuluyan.

Talaga namang napakasarap at napakasaya na magbakasyon sa magandang lugar, lalo na kung ang iyong kasama ay ang taong labis mong minamahal.



Angel Locsin At Neil Arce Ipinasilip Ang Kauna-Unahan Nilang International Trip Bilang Mag-asawa
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments