Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Chito Miranda Proud Owner Na Ngayon Ng Inasal Restaurant Sa Tagaytay

Excited ngayon ang Parokya ni Edgar singer na Chito Miranda, ito ay dahil sa nalalapit ngang grand opening ng kanyang panibagong negosyo, kung saan ito ay walang iba kundi ang kanyang lechon at chicken inasal restaurant na matatagpuan sa Tagaytay.

Talaga namang kinakarir ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ang pagiging mga negosyante, sapagkat noon lamang nakaraang buwan ng Mayo ay matatandaan ang naging pagbabahagi ng misis ni Chito ang pagbubukas ng kauna-unahan nilang food business at ito nga ay isang Thai Restaurant Lime and Basil na matatagpuan naman sa Baguio City.

At nito lamang nga buwan ng Hunyo, ay masaya namang ibinahagi ng frontman ng Parokya ni Edgar na magbubukas na naman nga ang isa nilang restaurant business.
Sa pinaka-latest Instagram post ng 46-taong gulang na Chito Miranda ang naging pagbabahagi niya ng kanyang nararamdaman ngayon na madaragdagan ang kanilang restaurant business, ito ay matapos nga ang naging ag-drop by niya sa kauna-unahan nilang Mang Jose Inasal sa Tagaytay.

Ayon kay Chito, ay talagang natutuwa siya sa nakikita niyang pagtangkilik ng mga tao sa negosyo nila, kahit nga umano weekday ay marami nga ang kumakain na sa Mang Jose Inasal nila sa Tagaytay.
“Nakakatuwa naman! (nakakatuwa…pero naiiyak )

“Nakakatuwa lang kasi kahit weekday, madami pa ring kumakain sa
@mangjoseinasalph Tagaytay“Dumaan ako para mag-take out ng manok for Miggy and Ate Pia…hanggang ngayon, sobrang masaya pa rin ako kapag nakikita ko na tinatangkilik ng mga tao yung mga resto namin, lalo na itong latest project namin.”

Nagpaabot din si Chito ng kanyang pasasalamat para sa lahat ng mga kanilang mga customer at magiging customer na walang sawang sumusuporta sa kanilang negosyo. Pangako din niya, ay sisiguruhin niya na ma-i-improve pa kung ano man ang mga dapat i-improve sa kanilang restaurant bago ang magiging grand opening nito.
“Salamat talaga!!!

“Alam ko marami pa kaming kelangan i-improve, at pinapangako namin na aayusin namin lahat ng kelangan naming ayusin bago kami mag-grand opening.
Talaga namang nakakabilib ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, dahil sa lahat ng mga magagandang investment na kanilang napupundar.

Maliban nga sa mga nabanggit na negosyo na ito ng mag-asawa ay mayroon pa silang ibang negosyo, tulad na lamang ng online business ni Neri, Korean restaurant nila sa Cebu, at maging ang pagmamay-ari nilang farm, resort at milk shop sa Cavite kung saan nga sila naninirahang pamilya.



Chito Miranda Proud Owner Na Ngayon Ng Inasal Restaurant Sa Tagaytay
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments