Sa kabila ng edad niyang 42-taong gulang, pinatunayan ng aktres na si Jackie Forster na edad lamang ang tumatanda at hindi ang kanyang pisikal na kagandahan.Makikita sa Instagram account ni Jackie Forster, ang kanyang mga larawan na nagpapatunay na sa kabila ng kanyang umaangat ng edad, ay wala pa ring kupas ang kanyang taglay na kagandahan na hinangaan sa kanya ng maraming mga manonood at mga netizens.
Sa edad ngang 42, ay walang bakas ng anumang katandaan o “aging’ si Jackie, ito ay sa kabila ng pagiging isa na rin niyang mommy ng kanyang limang mga anak.
Kabilang sa limang anak ni Jackie, ay ang dalawang magkapatid na kilala na rin ngayon sa industriya ng showbiz, at ito ay sina Kobe at Andrei Paras, na ang ama ay ang aktor at dating basketbolista na naging karelasyon ni Jackie, si Benjie Paras.
Maliban pa nga sa magkapatid na Paras, ay may tatlong anak na rin si Jackie Forster sa kanya ng asawa ngayon na si Michael Franken. At ang mga ito ay sina, Yohan, Jared at Caleigh.
Samantala, kahit pa nga ba lima na ang anak ni Jackie Forster, ay hindi naman naging hadlang sa kanya ang kanyang mga stretch marks at cellulites, upang hindi niya magawang ibandera ng nakasuot ng swimwear ang kanyang katawan.
Sa Instagram ni Jackie, ay makikita ang isang larawan ng aktres, kung saan ay nakasuot siya ng swimwear, at ito ay agad niyang nilakipan ng caption na;
“I’m not fat, I’m chunky”, ito ay upang maunahan na agad niya ang mga sasabihin ng mga basher’s patungkol sa kanyang larawan.
Isang nire-create naman na larawan ang makikita rin sa IG account ni Jackie, kung saan ang dalawang larawan ay kuha sa magkaibang taon, ang isa ay kuha sa kasalukuyan lamang at ang isa naman ay kuha noon pang 21-taong gulang pa lamang ang aktres.Kalakip ng larawan na ito ay ang caption ni Jackie na;
“2020 and 1999, 21 years in between the two photos and me at 21 years old? Kuya @andreiparas is still makulit and mama is still siksi #21.”Sa naging paghahambing nga sa dalawang larawan, ay makikita na sa kabila ng 21-taon ng lumipas mula ng kinunan ang isa sa mga larawan, ay tila hindi naman nagbago ang mukha ni Jackie Forster. Mas bata pa nga ito tingnan ngayon, kumpara sa kanyang larawan noon.
Ngayon nga ay masaya ang buhay ni Jackie Forster, at hindi nababahala sa anumang komento ng mga netizens patungkol sa kanya. Dahil ang tanging mahalaga sa aktres, ay nabubuhay siya kasama ang kanyang pamilya na masaya. Marami namang humanga pa lalo ngayon kay Jackie Forster, dahil nakikita ng mga netizens sa aktres, na ang buhay nito ay punong puno ng acceptance at body positivity.
Dating Sikat Na Aktres Na Si Jackie Forster Napakaganda Pa Rin Sa Edad Nitong 43-Taong Gulang
Source: Viral Pinas News







0 Comments