Ilang mga personalidad sa showbiz na ang naiulat na mayroong mga properties sa probinsiya, kung saan ay ang iba sa mga ito ay kanilang mga bahay bakasyunan o kaya naman ay tahanan na may napakagandang tanawin o kaya naman ay farm.
Marami nga naman sa mga artista, ang nagnanais na kung sila ay magretiro sa pagiging isang celebrity, ay mas nais nila ang manirahan sa mga lugar na tahimik at may nakakarelaks na tanawin.
Isa na nga sa mga ito ay ang aktor na si Gary Estrada, na natagpuan ang isang nakakarelaks at napaksimpleng pamumuhay sa San Antonio, Quezon.
Kamakailan nga lamang ay muling nagbigay ingay si Gary Estrada sa online community, matapos niyang magbahagi ng isang video clips na ang nilalaman ay ang simple at napakasayang pamumuhay niya at ng kanyang pamilya sa kanyang farm sa Quezon.
Ayon nga sa aktor, ang kanyang farm sa nasabing probinsiya, ay mayroong lawak na 3.5 hektaryang lupain.Makikita rin sa naturang video na ini-upload ng batikang aktor sa kanyang social media account, ang mga bagay na kinalilibangang gawin ng kanyang pamilya sa kanilang farm.
Ang mga anak ni Gary, ay makikitang gumagawa ng ilang mga gawaing bahay. Matapos nito ay ginawa rin nilang paliguan ang kanilang mga alagang aso.
Iba pa sa kina-aaliwang gawin ng mga anak ng aktor sa kanilang farm, ay ang magbisekleta sa palibit nito, at e-enjoy ang napakagandang tanawin.
Samantala, ipinakita rin ng aktor, ang ilang bahagi ng ng kanyang farm na talaga namang masasabi nating napakalawak, at napaka-ganda ng taglay na tanawin dahil sa napapalibutan ito ng mga luntiang damo, at ilang mga naglalakihang mga puno.
Ayon nga sa aktor, dito talaga sila sa farm magpapamilya madalas na nagba-bonding, dahil talagang nakaka-relaks ang tanawin.Maliban sa mismong farm, ay ipinasilip din ni Gary sa naturang video ang nagsisilbing tahanan nila sa kanilang farm.
Ipinakita ng aktor, na mayroong gym area sa kanilang tahanan, kung saan ang lugar ay napapalibutan ng glass window, kaya naman ang natural na liwanag mula sa sikat ng araw ay talagang pumapasok sa loob nito. Mapapa-wow ka rin sa dami ng mga gym-equipment na nakalagay sa loob nito na maaring gamitin sap ag-eehersisyo.
May munting pasilip din si Gary sa silid ng kanyang mga anak, kung saan ito ay simple lamang sa kulay nitong puti ang mga dingding, may cabinet sa may gilid na nakukulayan ng brown na may munting kulay puting pintura rin, at sa tabi ng kama nito ay isang bedside table na mayroong lamp, na nagdadagdag liwanag sa naturang silid.Makikita nga sa ini-upload na video na ito ni Gary Estrada, kung gaano sila kasaya ng kanyang pamilya sa kanilang bakasyon sa kanilang farm.
Gary Estrada Ibinahagi Ang Kanilang Napakaganda At Nakaka Relaks Na Farm Sa Quezon
Source: Viral Pinas News






0 Comments