Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Madalas Napagkakamalang Kambal Ang Mag Inang Ito Sa Kabila Ng Kanilang Malaking Agwat

Madalas na nating naririnig ang katagang “like mother, like daughter” sa mga pauri ng mga tao sa mga mag-iina, lalo na kung nakikita nila ang pagkakahawig ng mga ito, at pagkakapareho ng ilang katangian nila.

Ngunit alam niyo ba na mayroong mag-ina, na napagkakamalang kambal ng mga tao, sa kabila ng tatlong dekadang agwat ng edad nila sa isa’t isa? Paano ba naman, talagang magkahawig sila, at maging sa pisikal na pangangatawan, ay hindi rin nagkakalayo ang dalawa.

Kinilala ang mag-inang ito na sina Dawn Hubsher, 60-taong gulang na at ang kanyang anak na si Cher, na ang edad naman ay kalahati ng kanyang edad.
Base nga sa mga larawan ng mag-ina, ay talaga namang magkamukhang-magkamukha sila, lalo na’t sa kabila ng edad na 60 na ng inang si Dawn, ay napaka-ageless naman nito, na tila kasing edad lamang niya ang kanyang anak.

“People mistake us for sisters all of the time. One time, mum’s friend was talking to her thinking she was me”, ani Sher, na madalas inaakala ng mga tao, na ang kanyang ina, ay siya.
Dagdag pa na pagbabahagi ni Shier, maging ang kanyang asawa na si Jared Gopoman, ay nagkamali na rin noon,na inakalang siya ang kanyang inang si Dawn.

“One time, me and mum were wearing the same colored outfit. As we both have long dark hair, we look similar from behind.“My husband went up to my mum and smacked her on the butt thinking that it was me”, ang natatawa ngang kwento ni Cher.

Tila nga nalalaman na ng maraming mga nakakakilala kay Cher, kung ano ang kanyang magiging hitsura kapag narating na niya ang kaparehong edad na ngayon ng kanyang ina.
Samantala, dahil nga tila dalaga pa rin ang in ani Cher na si Dawn kung kumilos at magdamit, ay talaga namang madalas silang mag-bonding mag-ina.

Hanggang ngayon, sa tuwing may nakakakita sa mag-ina, ay napagkakamalan pa rin silang dalawa, at marami ang nalilito kung sino talaga sa kanila si Dawn at sino si Cher.



Madalas Napagkakamalang Kambal Ang Mag Inang Ito Sa Kabila Ng Kanilang Malaking Agwat
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments