Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Panganay Na Anak Ng Mag Asawang Viy Cortez At Cong Velasquez Isinilang na

Isa sa mga kinapapanabikan ng magkasintahang Viy Cortez at Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong TV ay ang makita at mahawakan na ang panganay na anak nila. Matatandaan na buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng i-anunsyo nina Viy at Cong na sila ay magkakaroon na ng panganay na anak.

Samantala, sa halos siyam na buwan ngang paghihintay ng magkasintahan, nito nga lamang ika-5 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ay tuluyan ng nawaglit ang kanilang pananabik, at ito ay napalitan na ng labis na kasiyahan. Ito ay matapos ngang ligtas ng maisilang ni ng Youtube content creator at businesswoman na si Viy ang panganay na anak nila na kanilang ngang tinawag na si Baby Kidlat.

Ayon sa ulat, noong ika-5 ng Hunyo, araw ng Martes ng isilang ni Viy si Baby Kidlat, o binigyan nga nila ng tunay na pangalan na Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. Si Baby Kidlat nga ay isinilang sa Asian Hospital and Medical Center.

Sa Facebook account naman ni Viy ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang mag-amang sina Cong TV at Baby Kidlat. Makikita sa naturang larawan na buhat-buhat ni Cong ang napakalusog na si baby Kidlat. Ibinahagi naman ni Viy sa caption ng larawan na ito, kung gaano niya ipinagpapasalamat sa Poong Maykapal ang biyaya na ibinigay sa kanya, ito nga ay ang mag-ama niya, na magiging saya at lakas niya sa kanyang buhay.

“Kayong dalawa ang mundo ko [red heart emoji], salamat Lord sa biyaya”, ang naging saad ni Viy sa caption ng kanyang Facebook post.Marami naman kaagad ang nagpaabot ng pagbati para sa magkasintahan na ngayon ay mga ganap na ngang magulang ni baby Kidlat. Ilan nga sa mga nagpaabot ng pagbati ay mula sa mga kaanak, kaibigan at tagasuporta nina Viy at Cong.

Matatandaan naman na nagbigay update pa si Viy Cortez sa kanyang Facebook account bago nga ang naging pagsilang niya kay baby Kidlat. Ibinahagi ni Viy na siya nga ay nasa-hospital na kasama ang partner niyang si Cong, at sila nga ay excited ng makita at masilayan ang kanilang panganay na anak.

“See you anak Kidlat oras nalang ang hihintayin masisilayan ka na namin, babaguhin mo na ang buhay namin ng daddy mo iloveyou ” saad nga ni Viy sa kanyang Facebook post.Sa Faceboo naman ni Cong ay ibinahagi niya ang pagiging ready na niya na gampanan ang resposibilidad ng pagiging isang Daddy.
“Hi Kidlat! Ready na si Daddy! Galingan niyo ni Mommy!”, saad nga ni Cong.
Congratulations Viy at Cong!!!



Panganay Na Anak Ng Mag Asawang Viy Cortez At Cong Velasquez Isinilang na
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments