Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

“Batang Palengke Talaga Ako” Tuesday Vargas Nagbalik Tanaw Sa Buhay Niya Noon

Hindi nga naman lahat ng hinahangaan nating personalidad sa showbiz na mayroong maganda at matagumpay na career, ay nagsimula sa magandang buhay. Dahil ang tunay, ay marami sa kanila ang dumaan at naranasan muna ang hirap ng buhay bago nila tamasain at makamit kung ano man ang maganda at maayos na buhay na mayroon sila ngayon.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres at komedyanteng si Tuesday Vargas, na nito lamang nga nakaraan ay hindi napigilan ang maging emosyonal sa social media ng muli siyang magbalik-tanaw sa buhay niya noon. Ayon nga kay Tuesday, para lamang makuha niya ang lahat ng mayroon siya sa kanyang buhay ngayon, ay pagod at sakripisyo ang kanyang ibinuhos.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Tuesday ang larawan kung saan ay makikita ang kanyag pinamili sa isang memebserhip shopping club. At dito nga ay muling inaalala ng komedyanteng aktres ang buhay niya noon bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz.

Pagbabahagi pa ni Tuesday, ang post niya na ito ay hindi upang magyabang, kundi ang layunin niya ay ang makapagbigay inspirasyon.
“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget,” ani Tuesday.

Saad pa niya, tuwing nagpapadala lamang sa kanya ang nanay niya, siya nakakaranas na makatikim ng imported goods.
“Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag-anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong,” ani Tuesday.

Pag-amin pa ni Tuesday, batang palengke talaga siya, kung saan doon nga siya madalas na bumibili sa mga tingi-tingi at takal-takal.Dahil sa kasipagan at pagpupursige ni Tuesday sa kanyang trabaho at pagnenegosyo, ay kanya ngang unti -unting nabili ang mga mamahaling bagay na noon ay kanya lamang pinapangarap.

Narito nga ang naging post ni Tuesday sa kanyang IG;
“Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera,” saad ni Tuesday.

“Siguro marami sa inyo ang makaka relate dito. Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napakalaking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko. Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan nyo din. Amen,” dagdag pa niya.



“Batang Palengke Talaga Ako” Tuesday Vargas Nagbalik Tanaw Sa Buhay Niya Noon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments