Barretto na si Sabina. Tumuntong na kasi si Sabina sa edad na 18 noon lamang ika-21 ng Hunyo, araw ng Martes.Sa espesyal na araw nga na ito ng kanyang anak, ay hindi nakaligtaan ni Claudine na batiin ito, at magbahagi ng isang nakakantig na mensahe para sa anak na si Sabina upang markahan nga ang ika-18 taong gulang nitong kaarawan.
“To my firstborn, my 1st daughter, my life. Happy happy 18th birthday @sab_barretto. I thank you so much for making me a mother. The moment I held you in my arms I knew that we were meant to be. That you were mine. How I remember that moment like it was yesterday”, saad ni Claudine sa unang bahagi ng kanyang mensahe.
Tila naman talagang hindi pa rin makapaniwala ang aktres na ang kanyang panganay na anak na siyang naging unang dahilan para gampanan niya ang pagiging isang ina ay ngayon nga’y dalaga na. Ayon nga kay Claudine ay parang kailan lamang noong araw na ito ay kanyang unang masilayan at mahawakan, at mga panahon na ito ay karga-karga pa lamang niya.
Dagdag na saad pa ni Claudine, ngayon na ganap nan gang dalaga ang anak niya ay nais pa rin niyang ipaalala rito na ‘baby’ pa rin niya ito. Pangako pa niya pa sa anak niyang si Sabina, na lagi lamang siyang nasa tabi nito.
“Now that you are an adult, know that you will always be my baby. I cannot promise you that I will solve all your problems but know that you will never have to face them alone. I will forever be here for you, whether you like it or not,” she said. “It’s an honor to be your Mom. I love you more than you’ll ever know.”
Samantala, maliban kay Sabina ay isa pa rin sa mga anak ni Claudine ang nagdiwang ng kaarawan nito lamang buwan ng Hunyo, at ito nga ay si Quia Aryanna na nagdiwang ng ika-7 taong gulang na kaarawan nito noon lamang ika-13 ng Hunyo.
Hindi naman lihim sa publiko na ang mga anak ni Claudine na sina Sabina at Aryanna ay parehong legally adopted ng aktres. Maliban pa nga sa dalawang anak na babae na ito ng tinaguriang “The Optimum Star” na si Claudine, ay may anak din nga siyang dalawang lalaki, ito nga ay sina Santino na siyang biological son niya at si Noah na adopted son niya.
Si Santino ay ang biological son ni Claudine, at ang ama nito ay ang dating asawa ng aktres na si Raymart Santiago, na isa rin ngang kilalang aktor sa mundo ng showbiz.
Panganay Na Anak Ni Claudine Barretto Na Si Sabina Isa Ng Ganap Na Dalaga Ngayon
Source: Viral Pinas News







0 Comments