Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Boyet Ahmee Ibinahagi Kung Paano Niya Nabihag Ang Puso Ni Dimples Romana

Maraming mga tao ang hanggang ngayon ay patuloy na hinahanap ang taong magpaparamdam sa kanila ng tunay na pagmamahal, at makakatuwang nila habang buhay sa hirap man o ginhawa. Ang iba nga ay nawawalan ng pag-asa na matatagpuan pa nila ito, ngunit may iba naman na ngayon ay masaya ng nabubuhay dahil sa natagpuan na nila ang taong kanilang pinapangarap sa buhay.

Isa na nga sa mga taong kapiling na ngayon ang kanyang “forever” at “happily ever after” ay ang Kadenang Ginto star na si Dimples Romana, o mas kilala natin sa kanyang Naging karakter sa nasabing serye bilang Daniela Mondragon.

Kung atin nang babalikan, sa naging karakter ni Dimples, bilang Daniela, ay isa siya sa mga taong nagmamahal na handang gawin ang lahat, makuha lamang ang lalaking kanyang minamahal. Ngunit sa tunay na buhay nga, ay masayang umiibig ang aktres, sa lalaking nagpabago sa kanyang buhay.

Samantala, matatandaan naman sa naging panayam noon kay Dimples Romana, ng minsan siyang maging “guest” sa ABS-CBN morning show na ‘Magandang Buhay’ ay ibinahagi niya ang tungkol sa lalaking bumihag sa kanyang puso.At ang lalaki ngang ito, ay walang iba kundi ang kanyang 15-taon ng asawa na si Boyet Ahmee, na siya ring ama ng kanyang dalawang anak.

Sa nasabi ngang panayam sa aktres ay kasama nito ang asawang si Boyet, at dito nga ay magkasama nilang ikinuwento kung paanong nagsimula ang kanilang napakagandang kwento ng pag-iibigan.
Muli ngang binalikan ni Boyet, kung paano sila nagkakilala ni Dimples, kung saan ay ipinakilala umano sa kanya ang aktres, ng kanyang isang kaibigan, na ex-boyfriend umano nito. Maliban pa nga rito, ay napag-alaman rin, na halos magkalapit lang pala sila ng bahay, dahil sa nasa parehong “vicinity” lamang sila, kaya naman talagang nagkaka-usap at kwentuhan din sila.

At dahil nga sa madalas na pagkikita ng dalawa, ay naging malapit sila sa isa’t isa, na kung saan ng pumanaw ang ama ni Dimples, ay si Boyet ang naging sandalan at naging “comfort” ng aktres noon ngang panahong iyon.

Dito na nga nagsimula na mas lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa, hanggang sa ito nga ay mauwi sa pagmamahalan na hanggang ngayon ay nanatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Ibinahagi naman ng aktres, kung paano nila na-achieve mag-asawa na ma-maintain ang patuloy na maging masaya at matatag ang kanilang pagsasama sa halos 15-taon.Ayon nga kay Dimples “common respect”, ang isa sa pinaka-sikreto na kanilang pinanghahawakan mag-asawa upang mapanatili ang tatag ng kanilang relasyon.

Sa pagdiriwang ng ika-15th anniversary ng mag-asawa, ay isang tear-jerking post naman ang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account, kung saan ay umani ito ng maraming paghanga mula sa kanyang mga taga suporta.

Sa naging post ngang ito ni Dimples, ay sinabi ng aktres na mayroong third party sa pagsasama nilang mag-asawa. At ang talagang nakaka-shock pa ay ng sabihin nito na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang third party na ito.Narito nga ang naging post ng aktres;

“There’s always been a third party – the LORD. When we almost lost hope and faith in one another, we found comfort in knowing that the GOD who was present when we made our vows to love one another til death do us part is also present during these times and though we as human beings may run out of love and patience – HIS LOVE REMAINS and HIS LOVE will sustain to us. For a faithful and forgiving love, THANK YOU. Happy almost 15th anniversary myluv.”

Pinatunayan nga ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee na “Tru Loves exist” , dahil sa kabila ng napakaraming pinagdaanan ng kanilang relasyon, heto sila ngayon at patuloy na nagmamahalan at nagiging matatag ang pagsasama.



Boyet Ahmee Ibinahagi Kung Paano Niya Nabihag Ang Puso Ni Dimples Romana
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments