Tayo ay mayroong kasabihan na, “Wag mong baguhin ang isang lalaki, Dahil kung talagang mahal ka niya siya mismo magbabago ng kanyang sarili upang mas maging maayos ang inyong relasyon.”’
May mga kwentong pag-ibig na nga tayong natunghayan sa ating buhay na nagpakita kung paano nagbago at mas naging mabuting tao ang isang lalaki, mula ng kanyang makilala ang kanyang “one and only girl” na pagmamahal.
Isa na nga sa mga halimbawa ng lalaking mas naging “better person” mula ng dumating sa kanyang buhay ang babaeng kanyang pinakamamahal, ang ang gwapong aktor na si EJ Falcon.
Ayon nga sa aktor, dapat ngayong taon ay nagtungo sila ng nobya niyang si Jana sa Amerika, ngunit nasira ang plano nilang ito na mag-travel, dahil sa pagkakaroon ng krisis. Ibinahagi rin ni Ej, na malaki ang maitutulong ng pagta-travel nilang magkasama sa kanilang relasyon.
Dagdag pa ni EJ, mas gusto ni Jana na magkasama silang dalawa na nagta-travel, kaysa bigyan siya ng mga materyal na bagay.“Si Jana kasi hindi materialistic na tao. Mas gusto niyang nagta-travel kami together kasi malaki naitutulong no’n sa amin.”
Makikita naman sa magkasintahan na patuloy na nagiging matatag at maayos ang relasyon na meron silang dalawa, kung saan ay nasa apat na taon na nga ang kanilang relasyon.Ibinahagi rin ni EJ, kung ano ang naging “impact” ni Jana sa buhay niya, na maraming nabago sa kanyang buhay mula ng ito’y kanyang nakilala hanggang sa naging nobya.
“Maraming nabago sa buhay ko. Masasabi ko na yung maturity ko sa napakarming bagay, sa mga decision making, malaking part siya no’n. kapag malungkot ako ay nandyan din siya para palakasin ang loob ko”, saad ng aktor.
Ipi Nagpapasalamat ni EJ, ang naging pagdating sa kanyang buhay ng nobyang si Jana, dahil sa mas nakilala niya ang kanyang pagkatao dito, kung saan ay masasabi niyang mas naging “better person” siya mula ng magkarelasyon niya ang nobya.
“Palagi ko ipinagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay ko. Maraming salamat sa lahat. Napakabuti ng puso mo kaya madaming nagmamahal sa’yo. Napakaswerte ng mga taong mahal mo.“NAPAKASWERTE namin lalong-lalo na ako dahil grabeng magmahal ang isang tulad mo. Happy birthday baby, Love you so much.” Sa kaarawan nga ni Jana, ibinahagi ni EJ ang mga matatamis na mensahe niyang ito para sa kanyang minamahal na nobya.
EJ Falcon Mas Naging “Better Man” Dahil Sa Kanyang Non Showbiz Girlfriend
Source: Viral Pinas News





0 Comments