Sa isang tao, madalas at unang napapansin talaga ay ang ating pisikal na hitsura, mula sa ating buhok, mukha, hanggang sa ating hubog ng katawan. Kaya naman kung may malaki ang pagbabago, ay agad tong nagbibigay atensyon sa mga taong nakapalibot sa atin.
Isa sa mga halimbawa nito, ay ang aktres na si Melissa Ricks, na kamakailan lamang ay naging sentro ng usapin ng mga netizens, dahil sa napansin ng mga ito, na ang dating seksi na aktres ay tumaas ang timbang at lumubo ang pangangatawan.
Kung matatandaan, buwan ng Oktubre ng isang netizens ang nagbigay komento sa larawan ni Melissa Ricks, kung saan ay napuno ng naturang netizens ang malaking pagbabago sa hubog ng katawan ng aktres.
“Grabe! anong nangyari sayo? Ang taba mo na. Ang laki ng braso mo girl, mukha ka ng tita. Ilan na ba ang anak mo, at ganyan na ang katawan mo?”, ang naging komento nga ng netizens sa larawan ni Melissa Ricks.
Agad namang nagbigay ng kanyang kasagutan si Melissa sa naging pagpuna ng netizens, sa kanyang katawan.”Hi! If mukha akong Tita, is that a problem? Ilan anak ko? Isa, how about you? Ilan anak mo, hopefully wala pa, dahil u have no manners…because u are a [bad example]. I’m just thankful, I don’t have your attitude”, ang naging buwelta naman ni Melissa.
Samantala, nito nga lamang nakaraan ay muling naging usap-usapan si Melissa sa social media, ito ay matapos ang dalawang buwan mula ng siya ay ma-bash dahil sa kanyang lumubong timbang at katawan.
Ang bago ngang pinag-uusapan sa aktres ngayon, ay ang kanyang naging pagbabahagi ng kanyang larawan, kung saan ay pinakita niya ang “before” at “after” na estado ng kanyang katawan, at sa nasabing nga larawan, ay kapansin-pansin na unti-unti ng nababawasan ang timbang ni Melissa at ang katawan nito ay unti unti na ring bumabalik sa pagiging fit at seksi.
Ibinahagi naman ni Melissa, na isang inumin ang nakatulong sa kanyang “weight loss” journey.
Narito nga ang naging caption ni Melissa, sa kanyang larawan kung saan makikita ang before and after na kanyang body figure.
“Hi!!!! Excited to share with you, how I lost -20lbs in 2 months…with a secret reveal soon !!!! Plus one of the reason I’ve gotten this far is @gmaxketoph.” Sa isang artikulo noon ng Smartparenting.com.ph, ay nailathala ang naging pag-amin ni Melissa, na tanggap na niya ang naging pag-angat ng kanyang timbang noong siya ay nagbubuntis hanggang sa siya ay manganak.
Mellisa Ricks Ibinahagi Ang Sikreto At Proud Sa Unti-Unting Pagbabago Ng Kanyang Katawan
Source: Viral Pinas News




0 Comments