Ang pagiging isang mahusay na manlalaro ni James Yap ng larong basketball, ang nagbigay ng kulay sa kanyang karera, hanggang sa siya nga ay makilala sa nasabing larangan bilang isa sa mga sikat at hinahangaang PBA Basketball Player sa Pilipinas.
Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ni James, ay marami sa atin ang nakababatid na minsan na itong dumaan sa kontrobersiya, ngunit ito ay nalampasan niya, hanggang sa magtagpuan nga niya ang bagong pag-ibig sa kanyang buhay.
Tulad ng maraming mga kalalakihan, ay pangarap rin ng basketbolistang si James Yap ang matatagpuan ang magiging kabiyak ng kanyang buhay, ang taong nagbibigay kulay sa kanyang pag-ibig at kasama niyang bumubuo sa pangarap niyang isang masayang pamilya.
At ang babae ngang ito na nagbigay kulay muli sa buhay pag-ibig ni James Yap ay si Michela Cazzola, isang Italyana na ubod ng ganda.Si Michela Cazzola, ay ipinanganak noong ika-23 ng Oktubre taong 1983, at dahil sa kanyang angking ganda at kaseksihan ay kilala siya bilang isang Instagram star.
Dahil nga sa taglay na kagandahan at kaseksihan ni Michela, ay hindi na nakapagtataka na nabihag niya ang puso ni James Yap, ngunit maliban sa mga magagandang pisikal na katangian nito, ay mas nagpadagdag pa sa ganda nito ang angkin nitong kabutihan nito, kaya naman talagang siya ay inibig ng husto ng basketbolista.
Matatandaan na minsan na nga ang naging usapin sa social media si Michela, ito ay dahil sa marami ang talagang namangha at nabighani sa kanya, dahil sa kabila ng pagkakaroon nila ni James ng dalawang anak, ay hindi naman nagbago ang taglay nitong kaseksihan.
Noon ngang manganak ito sa ikalawa nilang anak ni James, at halos limang buwan lamang ang lumipas ay agad ng nanumbalik ang kaseksihan ni Michela. At ito ay makikita base sa isang larawan nila na kuha, noong sila ay magbakasyon sa El Nido, Palawan.
Makikita nga sa nasabing larawan, ang napakagandang pangangatawan ni Michela, at kahit na dalawa na nga ang anak nito ng mga panahong iyon ay napaka-flat pa rin ng tiyan nito, at ni hindi man lang mababakas na ito ay ang buntis at nanganak.
Marami pa ngang mga larawan si Michela sa kanyang Instagram account, ang nagpapakita ng kanyang taglay na kaseksihan, na nagpapatunay lamang na sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy ng kanyang dalawang anak, ay nananatili pa rin ang pag-aalaga niya sa kanyang sarili.
Mamangha Sa Kagandahan Ng Italyanang Asawa Ni PBA Star James Yap
Source: Viral Pinas News






0 Comments