Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Si Kayla Aan Gorostiza Ang Nakakatandang Kapatid Ni Andrea Brillantes

Alam niyo ba na ang hinahangaan at iniidolo nating teen star na si Andrea Brillantes, ay mayroong nakatatandang kapatid na kasing ganda rin niya?Si Andrea Brillantes, ay isa sa mga makinang na bituin ngayon sa industriya ng showbiz, ito ay matapos niyang bumida sa nag-hit na serye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto”, kung saan ay gumanap siya bilang karakter ni Margarette Mondragon.

Sa teleserye ngang ito, ay mas naipakita ni Andrea ang kanyang angking husay sa pag-arte, kaya naman pagkatapos nito, ay nag sunod-sunod ang magandang proyekto para sa kanya.Maliban pa sa pagiging isang mahusay na teen actress, ay hinahangaan rin si Andrea ng marami, dahil sa kanyang pagiging maganda, matalino, at galing sa pagdadala ng fashion, ika nga fashionista. Itinuturing rin siya bilang isa sa mga pinaka magagaling na teen star ng kanyang henerasyon.

Ito nga ay dahil sa kanyang murang edad na 15-taong gulang, ay napatunayan na niya na kaya niyang makipagsabayan ng galing sa pag-arte sa iba pang mga artista.Samantala, ang nakatatandang kapatid ng ani Andrea, na kasing ganda rin niya, at hindi maikaka-ila na pwede ring maging isang artista ay si Kayla Aan Gorostiza.

Si Kayla Aan, ay ang older sister ni Andrea, na hindi naman nalalayo ang agwat sa teen actress, kaya naman madalas rin silang dalawa ay napagkamalang kambal.Mababakas nga sa mga larawan nina Andrea at Kayla Aan, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, kung saan ay may mga bagay silang magkapatid na hilig nilang gawin magkasama tulad na lamang ng mga bonding moments nila kapag sila ay pumunta music festival, mag-fangirling at mag twinning.

Ilan nga sa mga taglay na katangian ng magkapatid na parehong pareho sila ay ang hugis ng kanyang mukha, ilong, pag-ngiti at lalo na ang taglay nila na pagkakaroon ng makapal na kilay. Tila kay Kayla Aan naman nakuha ni Andrea ang kanyang pagiging isang fashionista, dahil makikita sa mga larawan sa Instagram ng nakakatandang kapatid na ito ng aktres ang mga simple ngunit nakamamangahang OOTD na sinusuot nito.

Ano ang masasabi niyo sa maganda at mala-artistahing kapatid na ito ni Andrea Brillantes, na si Kayla Aan? Pwede rin kaya yang sumunod sa yapak ni Andrea at pumasok bilang isang artista?



Kilalanin Si Kayla Aan Gorostiza Ang Nakakatandang Kapatid Ni Andrea Brillantes
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments